BROKEN HARMONY 42 Lumubog na ang araw, ang iba ay nagkakasiyahan sa tabi ng mapayapa na dagat at ang iba naman ay kasakasama ang mga kaibigan na nag-iinuman sa puting mga buhangin. Ang buong lugar ay napapaligiran ng mga Christmas light na nagsisilbing ilaw, ang iba naman ay gumagawa ng apoy at doon nagsama-sama. “Saan na ba ang babae na ‘yon?” tanong ni Prestine sa kanyang sarili bago inilibot ang kanyang paningin upang hanapin ang kaibigan na si Danica. ‘Yon na nag gabi na hinihintay nilang lahat, ang gabi na hinihintay ng lahat. Contest na ng Delight, nakakuha na din siya ng mga message mula kay Denise at Dine na andon na sila sa loob at naghahanda na ang lahat. At ilang minuto na lamang ay mag-uumpisa na ang contest na inaabangan nila. Muling itinaas ni Prestine ang kanyang hawak-h

