BHARMONY 43 “Birthday na ngayon ni Denise, sayang at hindi tayo makakahabol andoon pa naman ang Renibwe.” Nanghihinayang na ani ni Danica sa tabi ng kaibigan habang ang kamay nito ay nag scroll kanyang social media. “Bawi na lang tayo sa susunod. Maiintindihan niya naman na may kailangan tayong gawin kaya hindi tayo nakapunta sa birthday niya. Ang isipin mo na lang din ay kung ano ang ibibigay mo sa kanyang regalo pagbalik natin.” Sagot naman sa kanya ni Prestine bago itinapik ang kanyang balikat. “Tara na!” sigaw ni MJ mula sa malayo. Nakasuot ito ng two piece na height waist na usong-usong ngayon. Nagtatampisaw na din ito sa dagat habang kumakaway sa pwesto ng dalawa na tahimik na nag-uusap. “Ayan na!” tili din ni Danica bago patakbo na lumapit dito. Napailing na lamang si Prestine

