BROKEN HARMONY 44 “Prestine, bilisan mo ang kumilos! Papunta na daw sila Matheo at ang iba pa sa hospital. Baka hindi na natin sila maabutan pa!” malakas na hiyaw ni Danica mula sa salas. Maaga silang nagising dahil sa napagkasunduan nilang lahat na bibisita kay Denise. Hindi naman pinagbabawal ang maraming bisita sa kwarto ni Denise dahil isa ‘yong private room at hindi makakistorbo sa iba pang mga bisita. Isa pa, kilala sila sa hospital na ‘yon dahil kay Danica kaya naman mabilis lang silang makakapasok mula sa loob. “Tapos na ‘ko!” sigaw pabalik ni Prestine sa nagmamadaling kkaibigan at lumabas na ng kanyang kwarto. Simple lang ang kanyang suot at isang sling bag lamang ang dala nito kung saan nakalagay ang mga pangunahin niyang gamit. “Ang tagal mo kumilos. Tara na!” nagmamadali

