BROKEN HARMONY 45 “Mag-iingat kayo habang andon nasa ibang bansa kayo. Ingatan niyo din ang sarili niyo, mas lalo ka na Dine. Ito ang unang beses mo na pupunta sa ibang bansa, sa tuwing malamig ang panahon ay maglagay ka ng makakapal na tela sa katawan mo para makaiwas ng sakit. Isa ka sa inaasahan ni Denise kaya huwag mong hayaan na magkakasakit ka din, maliwanag ba?” ani ni Prestine dito bago inabot ang isang paper bag kung saan nakalagay ang kulay itim na scarf, “Gamitin mo ‘yan.” Dagdag pa nito. “Opo, opo, ikaw din. Huwag ka masyadong iiyak at mag-overthink sa mga bagay-bagay. Pagmaayos na si Denise ay babalik kami dito at pupuntahan namin kayo. Dapat sa panahon na ‘yon ay may boyfriend na din kayong dalawa.” Sagot nito bago niyakap ang dalaga ng mahigpit. “Wala pa sa isip ko ang ba

