BROKEN HARMONY 33 Kulang na lamang ay mapunit ang labi ni Prestine sa lapad ng kanyang ngiti sa labi. Simula ng paggising niya ay hindi na ‘yon mawala-wala pa, mas lalo na ng makita niya ang nakahandang pagkain sa lamesa. ‘Yon nga lang ay wala na ang binata sa bahay niya. “Loko talaga ‘yon,” iiling-iling niyang sabi bago na upo sa hapag. Kagabi, pagtapos nilang ayusin ang tampuhan sa pagitan nilang dalawa at habang lumalalim ang gabi ay nagpaalam na si Matheo sa kanya upang umuwi. May pasok pa sila kinabukasan at wala ‘tong ibang damit sa unit ni Prestine na susuotin kung sakali na doon siya matutulog, kaya naman kahit labag sa kalooban at gusto pa makasama ang dalaga ay napilitan na ‘tong umuwi. At ngayon, hindi man lang ginising ang dalaga bago ‘to tuluyan na umalis. Nagluto lamang ‘

