BROKEN HARMONY 34 Mataas at maganda ang pagsikat ng araw para sa lahat ng tao sa Sitio Far Away. Mahangin ang buong lugar, ang sikat ng araw ay tirik ngunit hindi ramdam ang init nito dahil sa mga ulap na sumasangga sa sikat nito. “Perfect!” sabay palakpak ni Danica habang nakatingin sa kaibigan. Nang timulat ni Prestine ang kanyang mga mata ay muling nag-iba ang kanyang aura. Ang kanyang mukha ay may nakalagay na matte make up, makapal ang pagkakapula ng kanyang labi at ang buhok niya na pinataling nakalugay. “Sabi ko na nga ba at maasahan ka sa ganitong bagay.” Aniya bago ngumiti sa repleksyon sa salamin. “Ako pa ba?” nakataas ang kilay na sagot ni Danica dito bago ikinabit ang mga alahas sa leeg nito. Saktong pagpasok ni Chloe hawak-hawak ang isang high heels na kulay black sa kam

