BHARMONY 35 Halos hindi magkumahog sa pagmamadaling bumaba mula sa unit si Prestine ng malaman na nasa baba ang kanyang kasintahan upang ihatid siya sa trabaho. Pagtapos siya ipakilala sa mga magulang nito ay hindi na sila nagkakaroon gaano ng oras sa isa’t-isa. At hindi naman ‘yon malaking problema para kay Prestine dahil marami na din siyang inaayos ng mga nakaraang mga araw. Inanunsyo ng kanyang ama ang tuluyan na pagpasa sa pangalan niya ng kompanya upang makapagpahinga na ito. At si Prestine ay wala ng ibang magawa kundi ang sundin ang mga kailangan gawin o kung hindi ay mawawalan lahat ng trabaho ang mga nasa loob ng kompanya. “Good morning, hon” nakangiti na salubong ni Matheo sa kanya bago ‘to niyakap at hinalikan sa noo. “Good morning. Ang aga mo ata ngayon? Hindi ka na busy

