BHARMONY 36 Malalim na ang gabi ng maisipan ng lahat na bumalik na sa kanikanilang mga tahanan. Nagkanya-kanyang hatid na ang mga ‘to sa mga babae maliban kay Chip na dumiretso sa kanyang tahanan upang magpahinga. Samantala, si Prestine at Matheo naman ay naghihintay ng masasakyan sa isang gilid. Ibinalik kasi nito ang sasakyan niya ng tanghali pagtapos niya ihatid ang dalaga sa trabaho nito. At ang sasakyan na nagsundo sa kanya sa trabaho ay ang isa sa mga driver ng bahay ni Cholo na dinaanan lamang siya. “Pasensya ka na, hindi ko na pala dapat pa ibinalik ang sasakyan ko kung alam ko na ganito din pala ang mangyayari.” Paghingi ng pasensya ng nobyo sa kanya bago dahan-dahan na hinawakan ang kayang kanang kamay at mahigpit ‘yon na hinawakan. “Ayos lang ‘yon. Masyado din attention see

