BHARMONY 37 “Good morning, Ms. Cruz,” “Ms. Cruz, Good morning” Magmula ng makapasok ang dalaga sa loob ng kompanya ay halos wala na din tigil ang pagbati sa kanya nga mga ito, at ang tanging tugon niya lamang dito ay isang ngiti. Hindi naman siya isnabera para hindi pansinin ang mga nagtratrabaho doon, dahil katulad nila ay nagtratrabaho din siya dito. ‘yon nga lang ay mas mataas ang pwesto na nag-aabang sa kanya pagtapos niya sa kanyang trabaho sa office department. Nang makapasok na siya sa loob ng office department ay nagkanya-kanya din ang mga bati nito sa kanya. Na animo ay walang nangyari sa nakaraan. Alam niya naman na malaking issue at hindi ‘yon makakalimutan ng lahat dahil sa may iilan na nagresign dahil sa nadumihan ang kanilang mga pangalan at ang iba naman ay nanatili sa

