Broken Harmony 23 Ilang araw na ang lumipas simula ng makauwi kami mula sa limang araw na bakasyon. Naging busy kaming dalawa ni Danica sa pag-aasikaso ng mga Gawain para sa OJT at ako naman ay napagpasyahan na sumunod na lamang sa kagustuhan ni papa. Hindi niya ‘ko bibigyan ng mataas na posisyon, sinabihan niya na din ang mga tao sa loob ng kumpanya na huwag akong tratuhin na special katulad sa kagustuhan ko. Ang kapalit no’n ay ang pagsama ko sa meeting na pinaayos ko sa secretary niya, at ang pag-OOJT sa kanila. Nang una ay wala talaga akong balak na sumunod sa kagustuhan niya pero ‘yong mga nangyari bago kami makauwi ang hinding-hindi ko mapapalampas. Alam ko na hindi dapat sinasama ang personal na bagay sa negosyo, pero ang pagiging hambog ng lalaking ‘yon ay isa sa pwede maging da

