BROKEN HARMONY 23 “Mag-ingat ka sa pag-uwi mo, dalhin mo nalang muna ‘tong sasakyan ko at ihatid mo nalang ulit bukas kung wala kang gagawin. Delikado na ang magcommute ng ganitong oras,” aniko sa kanya bago kinuha ang bago ko mula sa likod ng sasakyan, “Ingatan mo din ‘tong sasakyan ko.” Paalala ko. “Ibabalik ko ‘to agad bukas ng umaga,” sagot niya sa ‘kin bago piningot ang tungki ng ilong ko, “At mas lalong iingatan ko ang sasakyan mo. Baka kung ibabalik ko ‘to ng may gasgas ay isumpa mo na ‘ko.” Natatawa niyang sabi. Hinampas ko ang kamay niya na nasa ilong ko bago siya inirapan. Lumabas ako na ‘ko sa sasakyan at kasabay din non ay pag-alis niya. Ito ang pangalawang beses na umuwi kami ng ganitong oras, at sa pangalawang beses na ‘yon ay masasabi ko may nagbago. Nang mawala na siya

