BROKEN HARMONY25: MEET THE PARENTS Inis na bumangon si Prestine mula sa kanyang pagkakahiga nang gumising sa kanya ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell sa kanyang pinto. Wala siyang ibang inaasahan na bisita dahil sa mga abala na din ang mga ‘to sa kanikanilang mga Gawain sa paaralan. Si Denise at Dine ay parehas na busy sa pag-aasikaso sa enrolment nila. At ang buong banda naman ay kakauwi lang din galing Romblone upang tumugtog at magbakasyon. Nabalitaan ko din na muntik na silang dayain dahil sa isang judge ng contest na tumanggap ng bayad mula sa isang banda na kasali sa patimapalak na ‘yon. “Sino ba ‘yan?!” inis na sigaw ni Prestine habang papunta sa pinto upang buksan ‘yon habang ang alaga niyang aso ay wala pa din pakealam sa nangyayari ‘t maganda pa din ang tulog mula sa sof

