BROKEN HARMONY 26 Madilim na at lumubog na ang araw, kasabay ng unti-unting pagdami ng mga sasakyan mula sa buong palagid na naging dahilan ng mabagal na pag-usad ng lahat na sasakyan sa buong lugar. At isa na doon ang sasakyan na minamaneho ni Prestine. “Sabi ko naman kasi sa ‘yo na huwag kang magpapasobra eh!” inis na sabi ni Prestine sa lalaking natutulog mula sa passenger seat ng sasakyan. Mahimbing na itong natutulog mula sa pwesto niya, dahil na din sa kalasingan ay si Prestine na ang nagpresinta na magmaneho upang makaiwas na din sa posibleng disgrasya na mangyari. Simula ng mag-umpisa kasi ang kanyang ama at ang binata na mag-inom ay hindi na ‘to nagsitigil, nakailang bote pa ang mga bote ‘to hanggang sa dalawa sila ang bumagsak. Naunang nakatulog sa kalasingan ang ama ni Prest

