BROKEN HARMONY “Andito na tayo,” kalmado na anunsyo ni Prestine bago inunat ang kanyang mga braso. Ngalay na ang kanyang buong katawan sa haba ng kanilang byahe makapunta lang sa amusement park na ‘to, habang ang iba ay tulog siya naman ay tahimik lamang na nakatingin mula sa labas ng bintana ng sasakyan upang tignan ang mga napalagid dito. “’Sa wakas!” pasigaw na ani ni Chloe bago nag-inat’ inat din ng kanyang katawan. Nag-umpisa na maalimpungatan ang ibang mga kasamahan nila at sinuot ang mga kanikanilang daladala na bag sa pagpunta dito. Lahat sila ay short, tshirt at rubbershoes lamang ang porma, wala naman na kahit sinong pumigil sa kanila dahil doon sila mas komportable na suot kesa sa magpantalon. “Ipark ko muna ang sasakyan.” Ani ni Chip mula sa harap na nakafocus pa din sa d

