BROKEN HARMONY 28 “Handa ka na ba?” tanong ng step-mother ni Prestine na si Rolanda. Sa huling pagkakataon ay muling sumulyap si Prestine sa kanyang sarili mula sa repleksyon sa salamin bago tumango dito, at tuluyan na lumapit. Suot niya ang isang black business suit habang ang mga alahas na nakasabit sa kanyang leeg ay umaagaw pansin. Ganon na din ang aura na lumalabas sa kanyang buong pagkatao, nakakatakot, at ang suot na make up ay nipinepresinta ang kanyang nararamdaman. Taas noo ‘tong naglakad kasama ang kanyang Tita Rolanda habang ang secretary nito ay nakasunod mula sa kanilang likod. At ang ibang mga nakakasalubong nila ay hindi maiwasan ang mapatingin sa kanilang nilalakaran. “Oh, kami nalang pala ang kulang.” Nakangiti na sabi nito bago dumretso sa pinakagitnang upuan ng mga

