BROKEN HARMONY 29 “Wala talagang kupas ang pagiging palaban mo,” nakangiting sabi ni Rolanda sa anak bago ‘to nginitian, “Ang akala ko ay bigla ka nalang magpapasapak sa lalaking ‘yon, pero infairness ah? Hindi mo binalian ng buto.” Natatawa nitong sabi. Inirapan naman siya ni Prestine, “Hindi pa ‘yon ang tamang oras para balian siya ng buto. Ikaw na ang bahala sa mga susunod na mangyayari, tapos na ang misyon ko sa bagay na ‘yan. Sana ay sumunod ka din sa kasunduan natin. Walang maka-aalam ng patungkol sa ‘kin sa kompanya niyo.” Paalala nito sa kasunduan nilang dalawa. “Walang problema. Isa din sa pinagtataka ko sa mga interns na minsan na pumapasok sa ‘tin ay walang gaano ang nakakatagal. At kung meron man ay may iba silang inirereklamo, hindi ko lang matukoy kung sino at ano ‘yon. Ka

