BROKEN HARMONY 30 Malalakas ang busina mula sa daan, ang mahabang traffic ay naging dahilan upang mas piliin na lakarin na lamang ng mga empleyado ang pagpunta sa kanikanilang papasukan. Isa na din sa kanila si Prestine na unti-unti ng namumuo ang pawis sa kanyang noo. Ito ang unang araw niya sa sariling kompanya. Walang ibang nakakaalam sa kanyang tunay na pagkataon at tanging kanyang mga magulang lamang, bukod doon ay wala ng iba. At isa na din ang kanyang papasukan na mula sa pinakababa ng kanilang kompanya. Iyon ang kagustuhan na binigay sa kanya ng mga magulang. Hindi na siya nagreklamo dahil maski ang mag-oobeserve sa kanya mula sa loob ay hindi din siya kilala. Bitbit pa din niya ang ‘Cruz’ na apelyedo nito pero at hindi na nakuhang baguhin pa. Maraming Cruz ang nagtratrabaho sa

