BROKEN HARMONY 52 Nakangiti ang buong pamilya ni Prestine, ang kanyang tunay na ina naman ay naluluha-luha habang akay-akay ito ng kanyang pangalawang asawa at sa kamay nito ay ang dalawang anak nitong lalaki na may kataasan na din. Ang mga tao na hindi niya naisipan na magpunta dito ay andito sa buong lugar niya. Katulad na lamang ng kapatid ni Denise na minsan niyang nakaalitan. Pinunasan niya ang kanyang luha at muling pinagpatuloy ang kanyang pagkanta. Isa-isang umiilaw ang paligid, ang mga letra ay unti-unting nagliliwanag at umaayos sa isang tanong. At ng isa-isa niyang binasa ‘yon ay mas lalong napaiyak ang dalaga. Tinakpan niya ang kanyang bibig at ang kanyang kinakanta ay hindi na niya maituloy pa. Kaba, saya at hindi masabi ang kanyang nararamdaman, nanatili lamang itong um

