BROKEN HARMONY 53 Habang nasa loob ng kwarto ang dalawang dalaga ay naiwan naman ang dalawang lalaki mula sa salas. Nakahawak sa ulo si Serzus na animo ay sobrang problemado dahil sa pag-aaway nila ng dalaga. Nakaraan niya pa kasi ito sinusuyo, hindi niya alam kung ano ang rason noon ng una pero nang malaman niya ‘yon ay hindi naman na siya mapakali. Ang dami niyang na iwan na trabaho, naghahanda pa ng kasal ang kaibigan niyang si Key para sa kasal nito. Kaya naman ay hindi sa lahat ng oras ay nasa hospital ‘to kaya naman siya ang napag-iiwanan ng kaibigan sa pasyente nito. “Ano ba ang nangyari at galit na galit sa ‘yo si Danica?” tanong ni Key sa kanya habang nakatingin ‘to sa flat screen na tv at nanunuod ng palabas, “Ngayon ko lang na kita na sobrang problemado ka ng ganyan. Sabihin

