BROKEN HARMONY 55 Madilim na ang paligid sa labas ng salamin mula sa bintana ng kwarto ni Key. Nakaupo ang dalaga mula sa kama habang tinitignan ang kanyang kasintahan ng mabuti at nag-aalangan. Hindi man niya amin ay kinakabahan din siya sa gustong gawin ng binata pero iniisip din niya ang mga sandal na kasama niya ang binata habang inaalala naman nito ang nangyayri sa kanyang ibang mga kasamahan. “May sasabihin ka?” tanong ni Key sa kanya bago isinara ang malaking bag na hinahanda nito. Puno ng damit ang bag na ‘yon, may mga survival foods din na nakalagay, mga tubig na kakailanganin niya habang andon at ang mga ibang kakailnganin nito sa loob ng mga araw na kailangan nilang mastay sa lugar na ‘yon. “Kinakabahan ako para sa inyo—sayo,” sagot ni Prestine dito, “Gusto kita pigilan, aya

