BHARMONY 56 Unti-unting iminulat ni Prestine ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang puting kisame. Ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan, ang kanyang kamay may kung ano ang nakatusok at nakahawak mula sa kanyang palad. Nang tignan niya kung sino ang nakahawak doon ay bumungad sa kanyang ang mukha ni Danica. Mahimbing itong natutulog habang hawak-hawak ang kanyang kamay, kita din ang pamumugto ng kanyang mata at mpamumula nito na galing sa pag-iyak. Akmang magsasalita na sana siya ng animo ‘y napunit ang kanyang lalamunan sa pagkatuyot nito. Itinaas niya ang kanyang kamay at marahan na ginising ang kanyang kaibigan. Hindi naman siya nahirapan na gisingin ‘to at itaas nito ang kanyang paningin papunta sa kanya ay unti-unting nanubig ang mga mata ng kanyang kaibigan. “Prest

