BROKEN HARMONY 57 Isa-isang naglabasan ang mga doctor mula sa loob ng bus na kanilang sinasakyan ng huminto na ito sa loob ng Far Away Hospital. Ang iba ay sinalubong ng mahihigpit n ayakap mula sa asawa ‘t anak, ang ibang interns na sumama naman ay agad na niyakap ng kanilang mga magulang pag-apak pa lamang nito sa labas ng bus. Inilibot ni Key ang kanyang paningin at walang kahit anong bakas ng presensya ng kanyang nobya. Inaasahan niya pa naman ito na susunduin at unang sasalubong sa kanya ngunit wala ito sa lugar na ‘yon. “Wala din siya?” tanong ni Serzus sa kanya ng mapansin na walang sumalubong sa kanyang kaibigan. Tumango si Key dito. “Baka busy lang sa trabaho niya.” Sagot naman nito. Akmang lalakad na sana ang mga ito pabalik sa kanilang mga tahanan ng makita nila ang dalawa

