Broken Harmony 04: Dog Bite Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok sa school. Hindi pwedeng mahuli dahil may exam pa kami sa unang subject, sigurado din ako na maraming papasok ngayong araw na ‘to. At ang mga nawawalang studyante sa buong semester ay siguradong maglalabasan na naman sa kanikanilang mga lungga. Nilapag ko mula sa lamesa ang platong hawak na may laman na itlog at hotdog bago na upo at nag-umpisa nang sumubo para sa umagahan. Nang mapahinto ako sa iyak na nagmumula sa gilid ng sofa kung saan nakatingin ang isang tuta na may benda ang kanang paa na nakatingin mula sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Maswerte pa din ako dahil naging tao ako at hindi naging hayop na inabando nang may-ari, dahil kahit papaano ako ay nakakain pa nang maayos. Di katulad ng aso na ‘

