BROKEN HARMONY 20 Ilang araw na ang lumipas simula ng magpunta kami dito. Masasabi ko na may iba-iba silang pag-uugali lahat, ang banda na Delight ay may apat na myembro na binubuo ng ilang magugulong myembro, may seryoso, may tahimik, may makulit at may isang mapang-asar pero bukod sa pinagkakaiba nilang mga pag-uugali ay meron isang bagay silang pinagkakasunduan. ‘Yon ang kagustuhan at pagmamahal nila sa musika. Si Denise at Dine, magkasalungat man sa pinagdaanan sa kanilang mga buhay ay marami naman silang nakuha na mga pag-uugali mula sa mga bagay na kinaharap. Magkaiba din sila ng pag-uugali pero nagbibigkis sa kanilang dalawa ang tali ng pagiging totoong magkaibigan, isama na din ang kagustuhan na makita ang unti-unting pagsikat ng banda na sinusupportahan. At si Chloe? Ang kapat

