BROKEN HARMONY 9 Dahil sa pagkalam ng aking sikmura at sinabayan pa ng malakas na kahol ni Preston mula sa salas ay napilitan akong bumungon sa aking kinahihigaan. Inabot ko ang cellphone ko mula sa gilid ng aking higaan upang tignan ang oras at doon ko lamang na pagtanto na hapon na. Hindi na nakakapagtaka na kumalam ang aking sikmura dahil wala din akong umagahan. Madaling araw na ako naihatid ni Matheo, dahil din sa sobrang antok at pagod na nararamdaman ay hindi ko na namalayan pa ang pagkalam ng aking sikmura. At mas pinili ang matulog ng diretso pagtapos mag-ayos ng aking sarili. Tamad man na bumangon mula sa aking kinahihigaan ay pinilit ko ang aking sarili. Bukod sa kumakalam na ang aking sikmura ay kailangan na din kumain ng alaga sa labas. Pagtapos na ayusin ang aking

