BROKEN HARMONY 8.5 Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Nagkakasiyahan ang lahat sa maingay na tugtog mula sa loob, ang iba naman ay nag-uumpisa na maglabasan kung saan may tahimik silang pwedeng mag-usap ng maayos, at ako naman ay heto, naghihintay sa magaling kong kaibigan. “Sigurado ka ba na hindi ka kakain?” tanong ni Serzus bago tinuro ang kanyang pagpakain sa harapan. Umiling ako, “Kumain na ako kanina,” mabilis kong sagot bago nagtalumbaba, “Tsaka, hinid ako malakas kumain. Once na ramdam ko na ang bigat ng tyan ko hindi ko na pinagpapatuloy pa,” paliwanag ko sa kanya. “Ganon ba?” tango-tango niyang sagot, “Kakaalis pa lang ng benda sa paa mo pero ang taas na ng suot mong sapatos. Hindi ba nanakit ‘yan?” muli niyang tanong. “Hindi naman,” aniko bago siya nilingon, “

