Broken Harmony 07.5 “Ang aga mo naman po umuwi, Ms. Cruz?” tanong ni Denden ng magpaalam na akong uuwi na. Lahat sila ay nag-eenjoy pa, ako naman ay hindi mapakali kung na saan na ba si Danica. Walang sinuman ang nagtangka na mag-inom ngayong gabi. Ang sabi nila ay hindi nag iinom ang mga doctor dahil hindi nila alam kung anong oras sila biglang ipapatawag sa ospital o ‘di kaya naman ay kung kailan biglang may nangangailangan ng talento nila. “Oo,” tatango-tango kong sabi, “May mga kailangan pa ‘kong gawin. Alam naman na iyon ni Key. Diba?” baling ko kay Key na nasa tabi ko. “Huwag niyo na siyang guluhin.” aniya sa mga estudyante niya pareparehas na nanahimik. Sabay kaming lumabas ng unit niya. Nag-umpisa na muling magkantahan ang mga interns sa loob pati na din si Sirz

