Broken Harmony 07: Housewarming party Kahit hirap sa paglalakad ay mas pinili ko pa din ang maglinis ng buong bahay. Hindi naman ‘yun sobrang dumi at tanging mga ikinalat lamang ni Preston ang makikitang kalat sa buong bahay. Hindi din maiwasan na marinig ang maingay na kalabog mula sa kabilang pinto sa tuwing nagbubukas ako ng pinto. Mabilis na lumipas ang oras at malapit nang mag gabi. Prente akong naka-upo sa harap nang malaking salamin na kita ang buong ilaw sa buong siyudad. Mataas ang pwesto ng unit na binili ko, sakto na ‘to para makita ang lahat mula sa ibaba. Habang pinupunasan ang basa kong buhok ay patuloy ang pagkahol ni Preston mula sa salas. Kanina pa siya ganun habang nilalaro ang laruan na binili ko para sa kanya at mukhang masaya siya sa bagay na ‘yon. Dahan-da

