BROKEN HARMONY 06 Mula sa mataas na sikat nang araw ay pumapasok sa mula sa bintana ng aking kwarto ang gumising sa akin. May ngiti sa labi akong bumangon at tinignan ang alarm clock na nasa gilid ng aking kama. “Hindi na muna kita gagamitin ng dalawang buwan.” aniko. Tapos na first sem bilang isang fourth year student, may iilang subject pa na kailangan tapusin. Isa na din doon ang pagiging intern sa kung saang kumpanya na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung saan ako papasok. Ilang kompanya na ang kumukuha sa akin bilang intern, isa na doon ang kompanya na pagmamay-ari ng ama ni Danica at ang kompanya ni papa. At ni isa ay wala pa akong pinapasa para sa apply-an, hihintayin ko nalang na ang school mismo ang magbigay at mag-assign sa akin kung saan ako. Kung sa kumpanya ako n

