Game 1: Bang-Sak
Riko
“Riko, paabot nga no'ng pulbos na 'to kay Patricia.” Kinuha ko ang pulbos at pagkatapos ay pinuntahan ko si Patricia na kasama ang barkada niya sa ibang section na nagdadaldalan sa hallway.
“Patricia, pulbos mo raw sabi ni Kath.”
“Yuck!” Sigaw nito na hinampas ang pulbos paraan para mahulog ito sa aking kamay at lumingon siya sa direksyon ni Kath. “Kat-kat naman, dapat inabot mo na lang sa akin. Ipinahawak mo pa sa kanya 'tong pulbos ko.”
Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa sabay kuha rin ng alcohol para punasan ito.
Base sa inyong nakikita, pinandidirian niya ako, may malaki kasi akong peklat sa mukha, basa palagi ang kamay ko dahil pasmado at hindi ako gano'n ka-gwapo.
“Sige na,” muli niyang sabi. “Salamat, dahil sa 'yo nag-aksaya pa ako ng alcohol. Mukhang magpapabili na naman ako kay Mommy ng bagong panyo, kainis.”
Bumalik ako sa aking upuan at nagulat ako ng may bumatok sa akin nang makaupo ako.
“Hoy! Anong ginawa mo kay Pat?” Sinipa niya ang aking upuan dahilan para tumumba ito at maging ako na nakaupo.
“Jericho, ano ba?” Lumapit ang class president ng aming classroom na babae para awatin ang lalaking sumipa sa upuan ko. “Bumalik ka na nga doon sa room niyo, isusumbong ka namin sa adviser mo, palagi ka na lang nanggugulo ng ibang estudyante.”
“Nag-chat sa akin si Pat, ginugulo raw siya niyong dugyot na 'to.” Narinig ko ang tawanan ng mga babae sa labas ng hallway nang sabihin iyon ni Jericho, manliligaw ni Patricia. Sa totoo lang maraming manliligaw si Patricia, pero wala siyang sinasagot, pinapaikot niya lang ang mga lalaking may gusto sa kanya.
“Ayos ka lang ba, Riko?”
“O-Oo, ayos lang ako, Andrea.”
Inihilig niya ang kanyang kanang kamay para makatayo ako subalit hindi ko 'to inabot dahil baka pandirian niya ako. “K-Kaya ko tumayo,” sambit ko at tumayo ako sabay ayos ng aking upuan.
*Ground shaking*
“Anong meron?!”
“Lumilindol! Mag-si-tago kayo sa ilalim ng inyong mesa!”
Yumuko ako sa sahig at pinanood ang mga kaklase at ibang estudyante sa paligid na nagtatago. Sobrang lakas ng lindol, sa tingin ko nasa 5 ang magnitude nito.
Makalipas ang limang minuto ay tumigil na ang lindol, nag-si-tayuan ang mga kaklase ko sa kanilang mga pinagtaguan at lumabas ng classroom para pumunta sa gitna ng school dahil baka biglang kumalas ang mga kisame at bumagsak ito sa amin.
“'Wag kayong magtulakan!” Sigaw ni Andrea sa mga kaklase kong bumababa.
“Alis!” Tinulak ako ni Jericho at ng mga kasama niyang lalaki paraan para mabunggo ako sa pader ng hagdanan. Tumawa ang mga ito habang patuloy na naglalakad pababa.
“Bilisan mo, mamaya may bumagsak na semento sa ulo mo kapag babagal-bagal ka.” Nagulat ako ng may humawak sa likod ng aking damit, inangat ako nito at naglakad ako pababa kasabay nito. Nang makita ko ang kanyang mukha, napansin kong si Terrence ito. Isa siya sa tahimik na estudyante sa aming classroom pero matalino ito sa aking pagkakaalam.
“Ang dami nating estudyante rito,” sabi ni Andrea na tinitignan ang aming paligid. “Tapos wala pang teacher, nasaan sila Ma'am Blossom?”
“Magandang umaga mga estudyante.”
Ang aming mga pansin ay napunta sa taas nang marinig namin ang nagsalita.
“Nasaan na 'yong iba?” Narinig kong sabi ng isa kong kaklaseng babae.
“Iba?” Lumingon ako sa paligid at nagulat ako nang mawala ang ibang estudyante, mahigit fourty lang kami siguro ngayon at napunta kami sa loob ng isang kuwartong malaki, may carpet na pula sa lapag ang kuwartong ito at kulay puti ang pader na walang pintuan palabas. Paano kami napunta rito, nasa center kami ng school kanina lang.
Pinagmasdan ko ang paligid at nawala si Andrea at ang iba kong kaklase.
“Napapatanong siguro kayo kung bakit nawala ang ibang estudyante at bakit kayo napunta sa kuwartong ito. Mahigit dalawang libo't dalawang daan at limang pu (2250) ang inyong bilang sa eskuwelahang ito, hiniwalay namin ang iba na nakahati sa singkwenta.”
Nakahati kami sa singkwenta? Ibig sabihin sa bilang na 2250 na estudyante singkwentang estudyante ang magkakasama. Pero, anong meron? Bakit kami pinag-hiwa-hiwalay?
“Hoy! Anong hinati?! Sino ka ba at bakit mo kami pinunta rito?!” Napatingin ako sa sumigaw at si Jericho ito.
“Tulad ng aking sinabi, nakahati kayo, may 45 na ibang kuwarto kung saan may singkwenta ring mga estudyante ang maglalaro.”
“Maglalaro?”
“Anong ibig niyang sabihin na maglalaro?”
“Anong pinagsasabi mo?! Anong maglalaro?!”
Biglang nag-iba ang aming lugar, ang lapag ng kuwarto na carpet ay nanatili subalit ang pader na puti ang kulay ay nawala. Naging mapuno at magubat ang aming paligid, at ang oras ay nag-iba, gabi na dahil sobrang dilim ng paligid.
“Nasaan tayo? Natatakot na ako bhe," sabi ng babaeng ka-schoolmate ko sa kanyang kaklase at malapit na itong umiyak.
“Siguro nama'y alam ninyo ang larong bang-sak, batay sa pangalan nitong bang, meaning ay b***l at sak naman ay kutsilyo. Maglalaro kayong lahat ng bang-sak, isa sa inyo ang taya na gagamit ng b***l at ang lahat nama'y gagamit ng kutsilyo.
Easy lang naman ang rules. Kapag naging taya ka, isa lang ang kailangan mong gawi'n, pumatay hanggang maubos ang oras o magtago hanggang maubos ang oras para makaligtas. Kapag hindi kayo ang taya, kailangan niyong patayin ang taya."
“p*****n?” Nakangiting sambit ni Jericho habang nakikinig sa nagsasalita. “Ang dali lang pala, kapag napatay namin ang taya ibig sabihin ligtas na kami?”
Mukhang hindi ko magugustuhan ang punta nito, lalo pa't nandito 'tong si Jacob.
“Oo, kung sino ang makapatay sa taya, ligtas na ang taong 'yon.”
“Teka, ligtas na ang taong 'yon? Isa lang makakaligtas?!” Sigaw ng isa pang lalaki.
Hindi na sumagot ang nagsasalita at biglang may lumabas na b***l sa itaas, pistol ito at bigla itong napunta sa kamay ng isang estudyante.
Siya 'yong babae kanina na nagsasabing natatakot siya.
“Hala bhe, taya ako.” Umiyak ito at ibabato niya na sana ang b***l palayo subalit hindi ito naalis sa kanyang kamay. “Tulungan mo--” Napatigil siya sa kanyang sinasabi dahil nagulat ito nang makita niyang ngumiti ang kasama niya.
“Noon ko pa ayaw sa ugali mo, Marie, chance ko na ata 'to para burahin ka sa mundong 'to,” sabi ng kasama niya at tatalunan na sana siya nito subalit hindi niya nagawa dahil biglang may humarang sa kanya.
"Tulad ng sabi ko, bang-sak ang inyong laro, may isang minuto ang taya para magtago bago niyo siya hanapin. Meron kayong kalahating oras, kapag hindi niyo napatay ang taya, paalam na.”
May lumabas na maraming kutsilyo sa taas at bumaba ito papunta sa kamay ng mga estudyanteng hindi taya.
“60... 59... 58...”
“Magtago ka, ate.” Ngumiti nang maluwag si Jericho habang dinidilaan ang kutsilyo sa kamay niya. “Ako ang papatay sa 'yo.”
“H-Hindi.” Napaluhod sa sahig ang babae at hindi na ito makalakad dahil sa takot.
Sa totoo lang, gusto ko ring makaligtas, ayaw ko ring mamatay. Binitawan ko ang kutsilyo para makita ito ng maayos, puwede ko itong ibato, hindi katulad sa b***l na hindi naaalis sa kamay ng babae.
Muli akong tumingin sa taya at nanginginig ito. Kapag may isa sa aming nakapatay sa kanya, ligtas na ang taong nakapatay dito. Pero, hindi siguro gano'n kadali, mahigit 49 kaming mga estudyante ritong mag-a-agawan sa taya.
“Hindi ako magpapahuli!” Sumigaw ang babae at tumayo ito at itinutok niya ang b***l habang naglalakad palayo sa amin. “B-Bakit pa ako magtatago kung puwede ko naman kayong barilin isa-isa.”
"10... 9... 8... 7... 6...”
Nakatutok lang ang b***l niya sa amin at hindi siya tumatakbo palayo.
“2... 1...”
Pinaputok niya ang b***l na hawak niya at natamaan sa hita ang babaeng kanina lang ay kaibigan nito.
“Ahhh! Aray!” Sigaw ng babae at kaming iba nama'y napatakbo palayo. Akala ko kami ang may advantage since marami kami, nakalimutan kong ang taya pala talaga ang may advantage pagdating sa tunay na larong bang-sak at sa ngayon din dahil b***l ang kanya.
Muli nitong pinutok ang b***l at tinamaan sa ulo ang babae, humilata ito sa sahig at nagsigawan ang mga babae na aming kasama.
“A-Akala ko papatayin niyo ako?!” Muli niyang itinutok sa amin ang b***l niya, nagtago ang iba sa malapit na puno at ang iba nama'y dumapa malapit sa d**o. Nandito ako ngayon sa gilid ng babae malapit sa puno dahil naghihintay ako ng tsansa. Walang-ingat ang babaeng 'to, nakalimutan niya atang b***l hawak niya, nauubusan ito ng bala.
*Click* *Click*
“T-Teka, wala na akong bala, saan ako puwedeng magpalit?” Tumingin siya sa taas kung saan ang nagsasalita kanina subalit hindi ito sumagot.
“HAHAHAHA, sabi ko sa 'yo magtago ka na eh!” Tumakbo papunta si Jericho sa babae subalit hindi lang siya, lahat ng mga estudyanteng may lakas ang loob ay tumakbo papunta kay Marie.
K-Kailangan ko rin pumatay, gusto ko ring mabuhay, pero papatay ako... Anong gagawi'n ko?
Nagulat na lamang ako nang tumakbo ang aking mga paa papunta kay Marie na nakatayo lang.
Bahala na!
Malapit nang masaksak ni Jericho si Marie subalit ibinato ko ang aking kutsilyo paraan para tamaan si Marie ulo. Lumingon muna ng sandali sa akin si Marie bago tuluyang mapadapa sa sahig.
T-Tinamaan siya, n-na nakapatay ako ng tao, ibig sabihin ako ang ligtas, tama?
“Marie Dasilan resign.”
Nagsalita ang nasa taas at lumingon sa aking direksyon si Jericho at kita ko sa kanyang mga matang galit siya.
“T*ng ina mo, akin--” Napatigil siya sa kanyang sasabihin ng biglang may bumabang b***l galing sa taas at napunta ito sa aking kamay.
“Riko Salvacion, bagong taya.”
“Kaya pala isa lang makakaligtas, ang ganda ng laro.” Ngumiti si Jericho habang nakatingin sa akin na may masamang balak.
“60... 59... 58...”
A-Ako ang taya, bakit?!
Bigla kong naalala ang sinabi ng nasa taas, eitheir pumatay ang taya o magtago hanggang sa maubos ang oras. Kapag hindi ka naman taya kailangan mong patayin ang taya para maligtas ka pero magiging taya ka--pero wala siyang sinabing ligtas ka na kapag ikaw ang taya at kailangan mong makaligtas hanggang sa maubos ang oras.
Nalipat ang aking tingin sa taas dahil alam kong pinagla-laruan kami nito.
Tumakbo ako papunta sa kaliwa kung saan medyo magubat na lugar, bago ako makalabas sa loob ng carpet ay napansin ko ang isang estudyante na nakatingin sa akin.
Si Terrence, nandito rin siya. Hindi ko na ito pinansin at patuloy akong tumakbo papunta sa gubat.
Mahigit limang minuto na rin ang lumipas simula nang mag-umpisa ang larong 'to. Kailangan kong magtago, hindi ko na kailangan gamitin ang b***l na 'to dahil pang-self-defense lang talaga ang purpose nito. Muli kong tinignan ang paligid at 'di na ako magugulat. Hirap akong makakita.
Kung nahihirapan akong maglakad, malamang sila rin na hahabulin ako ay hindi ako basta-basta mahahanap.
“Nasaan ka na, dugyot!” Narinig ko ang sigaw ni Jericho pero malayo ito sa akin. “Alam mo bang laki ako sa probinsya, malinaw ang mata ko sa dilim hindi katulad ng sa iba d'yan at alam ko kung ano ang dinadaanan ng tao sa mga gantong may matataas na talahiban. Kapag nahanap kita tatadtarin ko nang saksak 'yang katawan mo!”
“Hindi ako magpapahuli, wala na akong pake kung mamamatay ang iba.” Napatigil ako sa paglalakad nang mamataan ko ang taong nasa harapan ko. Nakatayo lang ito, hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha pero kilala ko siya.
“T-Terrence?” Napa-atras ako at napaupo sa damuhan dahil sa pagkagulat na nandito siya. “P-Paano mo ako nahanap?”
Naglakad ito papalapit sa akin at huminto sa harapan ko. “Tulad nang sinabi no'ng lalaking hinahanap ka na nandoon.” Nagulat ako nang ituro niya kung nasaan si Jericho, nakikita niya?
“Malinaw din ng kaunti ang mata ko sa ganto kadilim, hindi lang siguro ako--lahat ng hindi pa taya ay malinaw ang paningin.”
“I-Ibig sabihin...m-madali niyo lang akong mahahanap kahit saan ako magpunta.” Tumango ito sabay lapit sa puno na malapit sa kaliwa ko.
“Nandito siya!” Sigaw nito na aking ikinagulat. Tatakbo na sana ako palayo, subalit bigla niya akong sinipa paraan para mapadapa ako sa damuhan at inapakan niya rin ang aking kamay na may b***l.
L-Lagot, p-papatayin nila ako. Hindi biro 'yong sinabi ni Jacob, talagang tatadtarin niya ako nang saksak.
“Bilisan mo baka makatakas pa 'to!”
“B-Bakit hindi na lang ikaw ang pumatay sa akin?!” Sigaw ko at bigla itong nagtago sa puno. Bakit siya nagtago?
Nagulat na lamang ako nang bumungad sa harapan ko si Jericho na may dalang kutsilyo. Hindi ko gaanong nakikita ang kanyang mukha pero sigurado akong nakangiti ito.
“Nahanap din kita!”
Tatayo na sana ako para barilin siya subalit kaagad niya akong tinadyakan sa mukha at napahilata ako sa damuhan.
“Tulad ng sabi ko, tatadtarin kita--”
“Paalam.” Lumabas sa likuran ni Jericho si Terrence at sinaksak niya ito ng walang pag-a-alinlangan.
“G-Gago... ka, i-ikaw pala 'yong sumisigaw kanina!”
Muling sinaksak ni Terrence si Jericho at dito na ito nawalan ng buhay.
“B-Bakit mo siya pinatay?” Pinunas ni Terrence sa damit ni Jacob ang dugo sa kanyang kutsilyo at tumingin siya sa taas.
“Jericho Gisma, resign.”
“Re-sign?”
“Oo, katulad na rin kita.”
“Terrence Paranas, bagong taya.”
“B-Bakit ka naging taya?” Pagtataka kong tanong dahil ang pagkakaalam ko magiging taya ka kapag pinatay mo ang mismong taya.
“Nag-ba-bang-sak ka ba talaga?” Umupo siya sa damuhan at huminga nang malalim. “Telebom.”
“Telebom? Hindi ba't ang telebon para lang sa taya?” Tugon ko habang pinapanood ang b***l na galing sa taas na mapunta sa kamay ni Terrence.
“Kaya nga, kapag taya ka sa larong bang-sak tapos sinabi mong 'boom Jericho!', tapos hindi naman si Jericho 'yon magiging taya ka ulit dahil telebom 'yon.”
“Ayon nga, hindi ka naman taya pero bakit?”
“'Di ba nga?” Tumingin siya sa direksyon ng aming pinang-galingan kanina at itinuro niya ito. “Kapag taya ka magtago ka lang o pumatay ka, sa hindi taya naman ay kailangan nilang pumatay ng taya para maligtas at maghintay sa oras. Lahat tayo may posibilidad na maging taya--kapag pumatay tayo. Naalala mo nang patayin ng unang taya 'yong kaibigan niya, hindi nag-resign 'yong babae kasi taya na 'yong pumatay sa kanya.”
“Oo nga, ibig sabihin may chance na magpatayan sila kapag hinabol nila ako dahil iisa lang ang iniisip nilang mabubuhay at doon nila malalaman na kahit hindi taya puwede nilang patayin.”
“Exactly, hindi tayo puwedeng pumunta doon, kahit sabihin natin sa kanilang gano'n ang paraan baka may magbalak pa ring patayin tayo--”
“Ayesha Santiago, resign.”
“Re-sign?” Nagkatinginan kaming dalawa nang marinig namin ang nag-re-sign.
“Jefrey Bautista, bagong taya.”
“Mukhang nalaman niya 'yong paraan.” Tumayo si Terrence at tumakbo ito pabalik sa direksyon ng pulang carpet.
“Saglit, bakit ka babalik?” Tugon ko at napatigil siya sa pagtakbo. “Hindi natin alam kung saan naganap 'yong pagpatay ng Jefrey, kasalukuyan akong hinahanap ng mga hindi taya. Naka-kalat silang lahat, madali nila tayong makikita lalo pa't malinaw ang kanilang paningin tulad ng sabi mo--at ikaw din.” Tumingin ako sa walang buhay na si Jacob dahil sinabi niya rin 'yon kanina.
“Ilang minuto na ba ang nakalipas?”
“Mahigit kinse na siguro,” sagot ko sabay tingin sa likuran ni Terrence. Bakit parang may tao?
Kaagad kong ini-angat ang aking kamay sabay tutok sa likuran ni Terrence. “Tumabi ka!” Nag-dive siya papunta sa gilid at ipinutok ko ang aking b***l.
“Ah!” Narinig ko ang malambot na boses nang matamaan ko ito. Babae?
Lumapit ako rito at nakita ang tama sa kanyang tagiliran, nilapitan ito ni Terrence at itinutok niya ang kanyang b***l sa babaeng nabaril ko sa tagiliran. “Sino ka?!”
“T-Tulungan niyo ako.” Narinig kong humihikbi ang babae. “Ayaw ko rin mamatay, tulungan niyo ko, please.”
“Anong gagawi'n natin sa kanya?” Tanong ko.
“Iwan na natin, hindi naman natin siya basta matutulungan, kailangan natin ng isa pang hindi taya para patayin niya. Kaso hindi gano'n kadali.”
“P-Pero--”
“Mapapahamak lang tayo kapag tinulungan natin siya, Riko!”
“Please, tulungan--” Napaupo ako sa damuhan ng biglang barilin ni Terrence sa ulo ang babae. Kahit hindi ko gaanong nakikita, alam kong kumalatang dugo sa damuhan.
P-Pinatay niya 'yong babae.
“Naalala mo naman ang rules 'diba, eitheir pumatay tayo o magtago hanggang sa maubos ang oras.”
“Oo, pero puwede mo naman siyang hayaan na lang hanggang sa maubos 'yong oras at hindi na ikaw ang pumatay sa kanya.” Tulala ako ngayong nakatitig sa katawan ng babae.
“Saan mo tinamaan 'yong babae?” Tanong nito sa akin.
Anong ibig niyang sabihin?
“S-Sa tagiliran,” sagot ko, sinasabi niya bang kasalanan ko dahil nabaril ko na rin 'yong babae?
“Vital part na rin ng body 'yong tagiliran, ilang minuto siyang makakaramdam ng sakit sa parteng 'yon kung hindi ko tinapos ang buhay niya.”
Sa bagay, tama siya. P-Pero pumatay ng tao--hindi dapat ako ang nagsasabi nito pagkatapos kong patayin si Marie, unang taya.
Naupo na lang kami rito malapit sa puno at hinintay naming maubos ang oras. Simula nang marinig naming naging taya 'yong Jefrey ang pangalan, hindi na ulit ito nangyari. Baka napatay lang no'ng Jefrey ang kasama niya dahil sa galit tapos doon na siya na-swertehan.
“Dito! Bilisan niyo!”
May narinig kaming lalaki na sumigaw kaya kaagad kaming nagtago ni Terrence ng mabuti.
“Sino 'yon?” Tanong ni Terrence subalit napa-kibit balikat ako. “Magtago lang tayo, baka--”
*Gunshot*
Hindi ba't b***l 'yon?
“Sabi ko sumunod kayo eh!” Sumilip ako at nakita ko ang silweta ng isang lalaki na may hawak na b***l at may kasama siya ngayong dalawang babae.
“Hindi kaya't siya 'yong Jefrey?” Bulong ni Terrence na nakasilip din.
“Siguro.”
“Ano pang ginagawa niyo?!” Muling sumigaw ang lalaki. “Magpatayan na kayong dalawa para may isa sa inyong mabubuhay, nakita niyo 'yong ginawa ko sa isa niyong kasama 'di ba? Magiging taya ang isa sa inyo kapag may pinatay kayo.”
Tumingin ako kay Terrence sabay tingin muli sa tatlo. “T-Terrence--”
“'Wag mong sabihin sa akin na tutulungan mo sila, ilang minuto na lang matatapos na ang laro. Mapapahamak tayo kapag pinakelaman natin sila.”
Nagsimulang lusubin ng isang babae ang kasama niya at pareho silang natumba, base sa naririnig ko sinasaksak niya na ito ng walang awa.
“Hahaha, 'yan!” Lumapit ang lalaki sa dalawa at binaril niya ang babaeng nasaksak.
Ilang segundong tumahimik ang paligid, napalingon ako kay Terrence dahil wala kaming narinig na resignation.
“Bakit hindi nag-resign 'yong babae?”
“Hindi ko alam, baka buhay pa,” sagot ni Terrence sa katanungan ko.
Sinabunutan ng lalaki ang babaeng natitira at tumawa ito. “Ako ang pumatay kay Leni, hindi ikaw kaya siguro hindi ka naging taya!” mas lumakas ang tawa ng lalaki at ipinahiga niya sa damuhan ang babae.
“Tulong!” Itim lang ang nakikita ko pero alam ko kung anong ginagawa ng lalaki sa babae. Hinahalay niya ito.
Tinakpan ko ang tenga ko dahil hindi ko kaya ang mga gantong eksena.
“'Wag! Please, patayin mo na lang ako--ugh!”
“Noon pa kita gustong magalaw Faith, kayong dalawa ni Ayesha na mag-bff. 'Wag kang mag-alala, after nito kasama mo na si Ayesha--sa kabilang buhay nga lang!” Tumawa ang lalaki habang patuloy na ginagalaw ang babaeng walang laban sa kanya.
“K-K-Kailangan natin siyang tulungan.”
“Ano?!” may halong galit na bulong ni Terrence dahil nagulat siya sa aking sinabi. “Nasisiraan ka ba ng ulo? Puwede tayong patayin ng lalaking 'yan, may b***l din siya.”
“May b***l din naman tayo ah, dalawa tayo Terrence,” sagot ko.
“Ugh! Masakit, tama na please, masakit na!”
Ilang segundo muna kaming nag-usap ni Terrence para sa planong tulungan ang babae.
Tumayo ako sa aking pagkakatago nang matapos kami at nagdulot ito ng tunog paraan para marinig ako ng lalaking ginagalaw ang babae sa hindi kalayuan sa amin.
“Terrence, hindi naman tayo makikita ng lalaking 'yan gaano hindi ba?”
“Oo, taya rin siya. Pero 'yong babae makikita tayo as bright as the day.” Gumapang si Terrence papunta sa kaliwa para pumunta sa direksyon ng mga ito habang ako ang magiging pain para ma-distract ang lalaki.
“Sino 'yan?!” Sigaw ng lalaki sabay putok ng kanyang b***l sa direksyon ko. Base sa aking napansin kanina noong pinutok ni Marie, unang taya kanina ang b***l niya, anim na bala lang ang lumabas dito. Pangatlong bala na ng lalaki 'yan, kailangan kong gumawa ng paraan para maubos ang bala niya.
Nalipat ang aking pansin sa likod kung saan makikita ang katawan ni Jacob, at nakaisip ako ng ideya.
“Hoy, anong ginawa mo d'yan?!” Sigaw ko habang pinapatayo ang katawan ni Jacob para ito ang barilin niya imbes na ako na nagtatago sa likod ng hita ni Jacob.
Nagulat ako nang iputok niya ang kanyang b***l sa direksyon ko at naramdaman kong tinamaan si Jacob.
Dalawa na lang.
“Duling!” Sigaw ko habang patuloy pa ring nakatago sa bandang hita ni Jacob
“G*go ka ba ba?!” Pinutok niya muli ang b***l niya ng dalawang beses. Binagsak ko ang katawan ni Jacob upang isipin niyang napatumba niya na ito. “Duling pala.”
“Terrence!” Sigaw ko at lumabas si Terrence sa gilid ng mga ito.
“S-Sino ka--" Binaril niya ang lalaki sa hita.
“Ahhh!” Narinig ko ang namimilipit na boses ng lalaki kaya tumayo na ako, nakahilata na ngayon ang lalaki at hindi na makatayo. “Miss, saksakin mo siya! Saksakin mo siya para maging taya ka rin bago siya mamatay sa pagka-b***l ni Terrence!”
Kaagad na kinuha ng babae ang kutsilyo niya at hindi nag-alinlangan na saksakin ang lalaki. Sunod-sunod niya itong sinaksak, hindi ko gaanong makita pero alam ko dahil ganyan din ang ginawa niya kanina sa isa pang babae.
“Jefrey Bautista, resign.”
“Faith Reyes, bagong taya.”
Hinubad ko ang aking school uniform at iaabot ko na sana 'to kay Faith, pero nag-alinlangan ako dahil baka pandirian niya rin ako.
“Isuot mo 'to.” Inabot ni Terrence kay Faith ang kanyang uniform. “Ginahasa ba nitong lalaking 'to 'yong kaibigan mo kaya siya naging taya?”
Inilagay ng babae ang uniform sa balikat niya at tinakpan ang parte ng kanyang dibdib.
“Oo, iniwan lang namin ng sandali si Ayesha tapos pagdating namin sa kanya sinasaksak na ng lalaking 'yan si Ayesha pagkatapos niyang galawin.”
“Kaya pala, akala ko may kagalit siyang tao rito at napatay niya coincidentally.”
Muli akong napalingon sa direksyon ng carpet at nagulat ako ng umilaw ang aming katawan at nagbago paligid namin.
“N-Nasaan na tayo?” Tanong ko sa kanila.
Nang lumingon ako sa likod namin, nakita ko ang ibang estudyante, may mga dugo sa katawan nila, may mga sugat na nadaplisan ng kutsilyo at tama ng b***l.
“Congratulation sa 204 na estudyante na nakaligtas sa larong bang-sak, maaari kayong pumasok sa mga kuwarto na nasa paligid niyo upang malunas ang sugat niyo, maligo, maglibang, kumain at matulog habang hinihintay ang pangalawang laro.”
P-Pangalawang laro? Tapos 204? Ang daming namatay sa amin. Pero hindi naman na ako magtataka, iniisip ng ibang estudyante na isa lang ang makaka-ligtas dahil sa pakana nang nagpalaro sa amin. Sinabi nila ang rules pero may twist ito na hindi namin alam.
“204 na lang tayo?” Narinig ko ang boses ni Andrea kaya tumingin ako rito, puro dugo ang kanyang damit, wala siyang sugat pero kita ko sa mata niyang dumaan siya sa impyerno.
“Mahigit dalawang libo tayo, tapos dalawang daan mahigit na lang natira?” Nagsalita si Terrence habang nakatingin sa taas kung saan ang nagsasalita.
“May iba sa inyong nalaman ang paraan para makatakas sa laro, may ibang naubos ang fourty-nine na estudyante at isa lang ang natira at meron ding nagtulungan para ang iba'y makatakas. Sa totoo lang iniisip kong isang daan pababa lang ang mabubuhay dahil kayo ang tinaguriang worst school with worthless students. Mukhang nagkamali ako.”
“Ano bang kailangan niyo sa amin? Bakit niyo 'to ginagawa?!” Sigaw ng isang lalaki na puro dugo rin ang uniporme.
Hindi sumagot ang nagsasalita sa taas at nanatili kaming walang sagot kung bakit kami napunta rito.
“Uulitin ko, congratulation sa 204 na estudyante na nakaligtas sa larong bang-sak, maaari kayong pumasok sa mga kuwarto na nasa paligid niyo upang malunas ang sugat niyo, maligo, maglibang, kumain at matulog habang hinihintay ang pangalawang laro. Meron kayong dalawang araw para maghintay sa pangalawang laro.”
Tinignan ko ang mga paligid at nakita ko ang anim na pinto, hindi ko alam kung anong nasa loob nito pero tulad nang sinabi ng nasa taas puwede kaming maligo sa loob ng isang kuwarto, kumain at kung ano pa.
Pangalawang laro? Ano naman kaya 'yan?