Nagising ako,hindi dahil kailangan kong magising ng maaga para pumunta sa palengke.Kung hindi dahil,hindi ako makatulog ng maayos.Nakakatulog ako,pero nagigising din.Bangungot kung anuman ang nangyari sa’kin.Paulit-ulit na bumabalik ang nangyari.Balewalain ko naman ay kusang bumabalik.Hindi ko alam na may luha na palang tumulo sa pisngi ko kung hindi ko pa naramdaman ang kamay na humaplos sa pisngi ko.Napatingin ako sa kapatid kong si Anorld,mukhang nagising ito dahil sa’kin.
“Ate,may problema po ba?Nagising po ako dahil narinig po kitang humihikbi.”
Malungkot na saad nito,hinahaplos pa rin ang pisngi ko.
Mabilis akong yumakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya.
“Ayos lang si ate,matulog ka nalang ulit.”
“Nanaginip ka po ba ng masama kaya ka naiyak?”
Umangat ang mukha nito sa’kin,natawa ako sa cute niyang mukha kaya pinisil ko ang ilong niya.
“Oo eh,may gusto daw kasing kumuha sa inyo sa’kin.Ilalayo daw kayong dalawa ni Arjun sa’kin.”
Malungkot kong sagot.Umiling naman siya.
“Hindi po kami sasama,promise po ‘yan! Para po sa’min ni Arjun,ikaw po yata ang da best na ate in whole wide world!”
Ang ngiti ko ay tuluyan na naging tawa.Yinakap ko siya ng mahigpit at ganoon din ang ginawa nito.
“Salamat,pangako gagawin ni ate ang lahat para sa inyong dalawa.Hindi ko kayo pababayaan!”
Napatingala ako ng maramdaman ang nagbabadyang luha.Napangiti ako ng may maramdamang yakap mula sa likuran ko.
“I love you Ate!”
Anas ni Arjun at humigpit ang yakap nito.Mukhang nagising din ito dahil sa’min ni Arnold.
“Mahal na mahal ka po namin Ate,huwag niyo po kaming iiwan.”
Tuluyan na akong naluha sa sinabi ni Arnold.
“Pangako ‘yan!Hindi kayo iiwan ni Ate,mahal na mahal din kayo ni Ate!Palagi niyong tatandaan ‘yan!”
Dahil malapit na din na mag-umaga,hindi na ako natulog pa at bumangon na lang matapos pagmasdan ang nakatulog ulit na kambal.Pumunta ako sa banyo at naghilamos,pagkatapos ay nagpunta ng kusina.Naupo ako ng makitang medyo madilim pa sa labas.
Mayamaya na ako magluluto,dapat sa mga oras na ito ay nasa palengke na ako.Pero dahil sa nangyari ay napagdesisyunan kong hindi na muna umalis ng bahay.Mabuti na ang sigurado,mamaya ay kakausapin ko ulit si tiyang at tiyong.Kung hindi man sila payag na umalis dito,mapipilitan akong umalis na lang na kasama ang dalawang kapatid ko.Ayaw ko na madamay pa sila sa gulo.Mabuti ng ako nalang huwag lang ang mga kapatid ko.
Napabuntong hininga akong tumayo at nagsimula na lang muna na maglinis sa sala.Pagkatapos ay nagluto na ng almusal ng magsimula ng magliwanag ang kalangitan.Nang makapagluto at mailagay sa mesa ang nailuto ko ay sakto naman na gising na din ang kambal.
“Good morning Ate!”
Sabay nilang turan.
Napangiti ako ng makitang pareho pa silang nagkukusot sa kanya-kanyang mga mata.Lumapit na ako sa kanila at ginulo ang magulo ng buhok.
“Maghilamos na kayo para makakain na tayo ng agahan!”
Saad ko at nagtaka akong napatingin sa mukha nila.Pagkatapos ay nagkatinginan sila, nag-usap ang mga mata na parang sila lang ang nagkakaintindihan.Pagkatapos ay sabay na humarap sa’kin.
“Nandito ka po Ate,hindi po kayo umalis!?”
Napaatras ako sa sabay nilang sigaw,napangiti akong lumapit ulit pumantay sa kanila.
“At bakit naman ako aalis?Hindi ba ,nangako si Ate na hindi ako aalis?”
“Alam naman po namin ‘yon.Pero hindi po ba at may trabaho kayo?Hindi ka po nagpunta ng palengke ngayon?”
Sagot ni Arnold na ikinangiti ko.Akala ko kung ano’ng sinasabi nila na hindi ko sila iiwan.
“Dito na muna si Ate,para makasama kayo.Ayaw niyo ba ‘yon!”
Nakangisi kong turan.
“Syempre po gusto,mas maganda po kapag nandito ka.Hindi ka po namin mami-miss!”
Nanubig ang mata ko sa sinabi ni Arjun.Tumayo na ako at iginiya na sila sa banyo.
“Hindi aalis si Ate ngayon para magtrabaho kaya maghilamos na kayo para makakain na tayo!”
Sumunod naman sila at nagbigayan ng tubig na galing sa tabo.Sumakit ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha kaya nauna na akong pumunta ng kusina para doon na lang sila hintayin. Dahil sa nangyari,masyado akong naging emosyunal.Kung noon nga ng mawala si mama ay na kaya ko ang sarili na maging malakas.Pero doon naman sa libing niya ako naupos.Ang akala kong luha na hindi lalabas,doon bumuhos lahat.
Huminga ako ng malalim at nagpunas ng luha.Kailangan kong magpakatatag.Hindi ako p’wede na maging mahina.Lalo na ngayon,kailangan ako ng mga kapatid ko.
Nang makalapit ang kambal ay nakangiti na ako at nilagyan ang kanilang pinggan ng pagkain.Simpleng sinangag,tuyo at itlog lang ang niluto ko.Hindi naman mapili ang mga ito sa pagkain.Basta kung ano ang nakalapag sa hapag.Kakainin nila,lalo na ‘pag paborito nilang fried chicken.
Matapos kumain ay nagligpit na ako at nagpaalam ang dalawang bata na magpupunta sa bahay nila tiyang.Hinatid ko sila ng tanaw bago magsimula ng maghugas ng pinakainan namin.
“Nerissa!”
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si tiyang .Nagpunas na ako ng kamay at lumapit kay tiyang na hindi pumasok sa bahay at nasa pinto lang.
“Tiyang kayo po pala,magandang umaga po.”
Napailing naman ito at iginiya akong sumunod sa kanya.Nagtataka man ay sumunod na lang ako.Pumasok kami sa bahay nila at doon naabutan pa namin ang tatlong bata na naglalaro ng snake and ladder.
Dumeretso kami ni tiyang sa kusina nila,iginiya niya akong maupo sa katapat na upuan kung saan nakaupo din si tiyong na nagkakape.Napatingin ako sa mga kapatid ko na nagkakatuwaan sa sala,kita mula rito sa kusina ang sala at medyo malayo lang ng kaunti.
“Nasabi na sa’kin ng tiyang mo ang nangyari.Ikinalulungkot ko ang nagyari,at sana nga ay nandito ang tatay mo para masagot ang mga tanong natin.Pero malabo na magpakita ‘yon,lalo na ngayon.Ano’ng plano mo,kasi kung ako ang tatanungin.Mas mabuti na ipaubaya nalang natin ito sa mga otoridad.”
Agad naman akong napailing sa huling sinabi ni tiyong.
“Aalis po kami,ilalayo ko po ang mga kapatid ko dito!”
Determinadong saad ko, wala talaga akong tiwala sa mga pulis. At may dahilan ako kung bakit.
“Nerissa,huminahon ka.Huwag kang magpadalus-dalos sa desisyon mo.Pamangkin ko rin naman ang mga batang ‘yan.At hindi ako papayag na malayo sila sa’kin!”
“Pero tiyang,kapatid ko din naman sila,at hindi ako papayag na malayo sa kanila.Mas lalong ayo’ko na mapahamak sila!Kaya kung ayaw niyo ho na umalis,kami nalang po ang aalis.”
Napailing ito sa sagot ko,nagkatinginan sila ni tiyong.
“Nerissa,paano kung ikaw lang naman ang puntirya ng mga lalaking gustong kumuha sa’yo n—”
“—Tiyang kayo na din po ang nagsabi,may pumupunta dito na mga men in black na mga lalaki.At hindi po ako tanga para hindi malaman ang pakay nila!Kapag pumapasok po ako sa restaurant, palaging may mga lalaki din na nakasunod sa’kin.Diyan ho sa labas,palagi din na may nakaabang na van.Huwag ho tayong magbulag-bulagan sa nangyayari.Kung anuman ang gulong napasukan ni tatay,hindi ‘yon basta-basta!”
Napaiyak na ako ng maalala na naman ang nangyari sa’kin.Ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw na pilit kong binabalewala.Pero ngayon,hindi na pwede na isawalang bahala ang nangyayari.Dinaluhan ako ni tiyang at yumakap sa’kin.Alam kong napapansin niya rin ang palaging pagtambay ng van sa kabilang kalsada at palaging nakatingin dito sa’min.
“Gagawa tayo ng paraan para makalayo kayo ng mga kapatid mo.Sa ngayon hayaan na muna natin ang mga pulis sa trabaho nila.”
Labag man sa kalooban ay tumango ako.Wala talaga akong tiwala sa mga pulis,pero dahil wala kaming magagawa sa ngayon ay wala akong pagpipilian.
Napahiwaly kami sa yakap ni tiyang ng magsalita si tiyong.
“Kung gusto mo doon na muna kayo sa probinsya ng kapatid ko.Siguro naman ay hindi na kayo masusundan ng mga lalaking ‘yan!”
Nagkatinginan kami at bumalik sa kinauupuan niya si tiyang at masinsinan na kinausap ang asawa.
“Sigurado ka ba,hindi ba’t malayo ‘yon sa kabihasnan.Mahihirapan si Nerissa na makahanap ng trabaho doon.”
Saad nito kay tiyong,hinawakan naman ni tiyong ang kamay ng esposa.
“May plantasyon naman doon,p’wede siyang mag-apply doon.”
Napatango-tango si tiyang at ngumiti ng malungkot sa’kin.
“Ayos lang ba ‘yon Nerissa?”
Tumango ako sa tanong ni tiyang.
“Oo naman po,ang mahalaga ay makalayo kami dito.”
Napatango-tango din ito at nag-usap na sila ni tiyong habang nakikinig ako.Tatawagan daw muna ni tiyong ang kapatid na babae na naninirahan sa probinsya nila.Umalis ito ng kusina at nagpa-alam na ngayon na niya ito tatawagan.Naiwan kami ni tiyang.Ngumiti ako sa kanya at tumayo naman ito sa pagkakaupo at lumapit sa’kin.
“Kapag nakausap na ng tiyong mo ang kapatid niya,sigurado naman na papayag ‘yon.Magpapadala ako sa inyo,hindi kami p’wede na umalis dito sa bahay.Sana maintindihan mo,wala namang mapapala ang mga lalaking ‘yon sa’min eh.Tsaka ayaw din ng tiyong mo na umalis dito,magkakamatayan daw muna sila bago nila makuha ang kung sino man sa’tin.Pero gusto mong umalis kaya hindi ka na namin pipigilan.Mukhang buo na ang desisyon mo eh,ang maipapayo ko nalang ay mag-iingat kayo palagi.”
Saad nito at niyakap ako,malaki ang pasasalamat ko at pumayag si tiyang na umalis kami.
Nakausap na ni tiyong ang kapatid niya at nagkasundo na darating kami doon sa makalawa.Bukas na agad ang alis namin.Si tiyong na din ang umalis para kumuha ng ticket namin.Hindi na niya kami pinalabas pa at nag-ayos na lang ako ng mga damit namin na dadalhin.
Dumating ang araw ng pag-alis namin at kinakabahan ako.Pumunta din ng maaga si Fely para tumulong sa’min sa mga gamit.Nagkausap kami sa cellphone kagabi at naik'wento ko sa kanya ang desisyon ko.Gusto niyang sumama sa paghatid sa’min sa tereminal,at gusto pa sanang sumama sa pupuntahan namin .
“Kung sasama ka,pa’no ang nanay mo?”
Napasinghap naman ito sa sinabi ko.
“Huwag na pala,hindi ko p’wedeng iwan si nanay sa lassengero na ‘yon!May selpon pa naman,tsaka kapag nakalibre ako.Dadalawin ko kayo,mami-miss ko kayo!”
Saad nito at niyakap ako,matapos ay yinakap din ang kambal.Natawa ako sa mukha ng kambal ng yakapin sila ni Fely,parehong nakasimangot.
Nawala ang ngiti ko ng maalala ang reaksyon nila sa pag-alis namin.Nagtanong sila kung bakit kailangan namin na umalis.Ang sagot ko lang ay magbabakasyon kami.’yon din ang naunang dahilan ni tiyang sa kanila.Tuwang-tuwa ang kambal ng malaman na magbabakasyon lang kami.Mas mabuti ng ‘yon lang ang alam nila.
Dinala na namin ang mga gamit sa labas dahil naroon na daw ang tinawag ni tiyong na masasakyan namin.Nauna na nga ang kambal dahil excited na sila pareho,nagsisigaw pa at halata talagang excited.
Bitbit ang ibang bag namin,kasabay ko si Fely na dala din ang iba naming gamit.Napahinto ako ng mapahinto si Fely at malakas na suminghap.Nagtataka ko siyang tiningnan.
“Bes!”
Malalaki ang matang saad niya at nakatingin sa unahan.Sinundan ko ang tingin niya,napasinghap din ako sa nakita.Nabitawan ko ang hawak kong bag sa magkabilang kamay at nanlambot ang mga paa ko.Napaluhod ako sa panlalambot ng tuhod ko,agad naman akong dinaluhan ni Fely.
Naluluha akong napapailing na nakatingin sa mga kapatid ko.Si tiyang na umiiling din na umiiyak,ang mga kapatid ko na tahimik din na lumuluha.
“Sabi ko naman kasi sa’yo sumama ka nalang ng maayos para walang ibang masaktan!”
Nakangising saad nito.Naunahan nila kami!