“Ano’ng kailangan niyo?”
Nanginginig kong tanong sa mga lalaking hawak ngayon ang pamilya ko.
“Alam mo kung ano ang kailangan namin.O baka naman ,gusto mo na ang mga batang ‘to na lang ang kunin namin?”
Nakangising tanong nito at itinutok ang baril sa mga kapatid ko.Nagsisigaw ang mga ito,kahit si tiyang at tiyong na nagpupumilit na makawala .
“Huwag please,’wag ang mga kapatid ko! Wala silang alam dito!”
Humagulhol na ako,hindi ako makalapit dahil na rin sa baril na nakatutok sa’kin.
“Huwag niyong idamay ang mga pamangkin ko! Kung anu man ang kasalanang nagawa ng kapatid ko,sa kanya niyo ibaling huwag sa mga bata! Sinabi ko naman sa inyo na matagal ng hindi umuuwi ang kuya ko! Parang awa niyo na,huwag ang mga bata!”
Umiiyak na rin si tiyang at umiiling.Wala rin magawa ang kapit -bahay namin dahil na rin siguro sa takot.Umiling -iling ako sa kanila at pinilit na makatayo para makalapit sa kanila,pero biglang nagwala si tiyong at nakawala siya .Pinagsusuntok niya ang mga kalalakihan na may hawak sa kanya.Hindi alintana ang mga suntok din na tumatama sa kanya.
Nanlaban siya at pilit na nilalabanan ang mga lalaking parang eksperto sa pag-ilag sa bawat atake niya.
“Tiyong,please parang awa niyo na.Itigil niyo ‘yan!”
Lumapit na ako at pinagpapalo ang mga lalaking ngayon ay pinagtutulungan na si tiyong.Lalo na ng tutukan na ito ng baril,kaya napahinto si tiyong .Maski ako ay nabato sa kinatatayuan ko.Ang sigaw ni tiyang at ng mga kapatid ko ay natigil din.
“Tiyong!”
“Ang asawa ko ,mga walang hiya kayo!”
Natumba si tiyong na hawak ang nasaktan na ulo. Napaluhod siya at pa pikit-pikit marahil sa hilo na naramdaman ng tumama ang baril sa ulo niya.
Nagpumiglas ako sa hawak ng lalaki sa’kin ng paluin nila ng baril sa ulo si tiyong.Nagsisigaw din si tiyang,nagkagulo ulit at sumugod ako sa lalaking pumalo sa ulo ni tiyong.Pero hindi pa ako nakakalapit ng marinig ang putok ng baril.Nanigas ako sa kinatayuan ko.Umalingaw-ngaw ang tunog at para akong nabingi sa sobrang lakas.Unti -unti akong humarap sa pinanggalingan ng putok at nanlaki ang mata ko sa nakita.
Nagpaputok ang isang lalaki at ngayon ay nakatutok na ang baril sa’kin. Umuusok pa ang dulo ng baril nito.
“Gago ka George,bakit ka nagpaputok?!Malalagot na naman tayo nito kay boss.Gago ka talaga,dinamay mo pa kami!”
“Manahimik ka nalang,kung hindi madala sa santong dasalan.Daanin sa santong paspasan!Hindi naman nakikinig ang babaeng ‘to eh.”
Naiinis na ito at inilapit na ang baril sa ulo ko.
“Parang awa niyo na,huwag po.”
Umiiyak na pakiusap ko at pumikit. Nag-iiyakan ang mga taong nasa paligid namin.
“George kailangan na nating bilisan,baka abutan tayo ng parak dito.Gago ka ba naman kasi eh,nagpaputok ka pa!”
"Easy!"
Nakangisi lang na sagot nito sa kasamahan.
“Ate!”
Napalingon ako sa mga kapatid kong umiiyak din .
“Ayos lang si ate.”
Sagot ko,kahit na alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga ako ok.Nanginginig ang katawan ko sa takot.Pinagsiklop ko ang palad ko at hinarap ang lalaking tinatawag nila na George.Nakangisi ito at nakatutok pa rin ang baril sa ulo ko.Pumikit ako at huminga ng malalim.
“Kung pera ang kailangan niyo,gagwan ko ng paraan para mabayaran kayo.Please ,huwag niyo lang idamay ang pamilya ko.”
Napangisi naman ito at umiling.
“Sa tingin mo,kung pera ang habol namin sa inyo ay buhay pa kayo ngayon?Kung hindi ba naman tanga ang tatay mong si Ronaldo at hindi kami trinaydor! Hindi siya nagpapakita sa’min kaya ikaw na lang ang kukunin namin! Mukhang mapapakinabangan ka naman eh!”
“Ano’ng ginawa ni tatay?”
Naguguluhan kong tanong at nakita ko ang sakit na dumaan sa mata niya.Nag-iwas siya ng tingin at ibinaba ang hawak na baril at tumalikod.
“Sumama ka para malaman mo ang pagkakasalang nagawa ng tatay mo.”
Saad nito at nakangising humarap ulit sa’kin.
”At naiinip na din si boss sa kakahintay kung kailan lalabas ang ama mo, na mukhang wala ng balak na magpakita pa!”
“Hindi,kung anuman ang kasalanan na nagawa ng kapatid ko kasalanan niya ‘yon! Huwag niyong idamay ang pamangkin ko!”
Sigaw ni tiyang at nagpupumiglas na makawala.Pero mahigpit ang pagkakahwak ng lalaki sa kanya kaya napaupo itong napahagulhol.
“Well,mukhang hindi mo pa rin naiintindihan.Hindi mo ba alam na bago nawala ang tatay mo ay ibinenta ka niya?” Nakangising tanong nito at nangilabot ako.
“A-ano’ng ibig mong sabihin?”
"Isakay niyo na ‘yan!”
Hindi na ako nito sinagot at tumalikod na ,inutusan ang mga kasama at nagsimulang maglakad palabas.
“Huwag,bitawan niyo kami!”
Nagpupumiglas na sigaw ni tiyong.
“Mga walang hiya kayo,bitawan niyo ang mga pamangkin ko!”
Nagsisigaw na si tiyang ng simulan na isakay sa van ang mga kapatid ko. Si Fely ay wala ring magawa dahil sa takot at sa baril na nakatutok din sa kanya.
Napailing akong umiiyak at mabilis na lumapit sa kambal na nagpupumiglas at tinatawag ako.
“Ate!”
“Huwag ,please ako na lang.Sasama na ako,huwag ang mga kapatid ko please!”
Napahagulhol akong hinawakan ang mga kamay ng kambal at humarap kay George na ngayon ay nakangisi.Napatango-tango naman ito at tinanguan ang mga kasama.Nang mabitawan ang mga kapatid ko ay agad ko silang niyakap habang umiiyak.
Nag-iiyakan
kami at nagsisigaw pa rin si tiyang.Ang anak nitong babae ay tahimik din na umiiyak. Si Fely na puno din ng luha ang mukha.
Matapos mayakap ang kambal ay hinarap ko silang dalawa na puno ng luha ang mga pisngi.Napahagulhol akong pinunasan ang mga ito na umiiling.Pinipigilan kong umiiyak pero kusa ng lumalabas ang mga ito.
“Shhh,magiging maayos din ang lahat.Tahan na,tahan na.”
“Ate,bad sila!Bad guy sila,tawag tayo pulis!”
Humahagulhol na anas ni Arjun.Napailing ako,walang pulis na darating.Kasi kung meron man,dapat kanina pa nang magpaputok ang George na ‘yon.Hindi kalayuan ang police station sa lugar namin.At sa lakas ng putok ng baril kanina,sigurado na narinig nila ‘yon.
Niyakap ko nalang ulit sila ng mahigpit.Sobrang higpit na parang pinipilipit ang puso ko ngayon.Hindi ko kaya na mawalay sa mga kapatid.Pero kung ito lang ang tanging paraan para mailayo sila sa kapahamakan.Gagawin ko,mahal na mahal ko ang mga kapatid ko.At kahit ano’ng mangyari,hangga’t kaya ko.Ipaglalaban ko sila.
“Masyado kayong ma-drama,kunin na ‘yan! Baka naiinip na si boss sa kakahintay,ayaw pa naman no’n ng pinaghihintay!”
Sigaw ni George sa mga kasamahan,pumalahaw ulit sa iyak ang mga kaptid ko ng sapilitan na akong ilayo ng mga lalaki.
“Sandali lang please,bigyan niyo ako ng kaunting oras para makapag-paalam sa mga kaptid ko!”
Nagpupumiglas na ako ,pero ng tutukan ulit ni George ng baril ang mga kapatid ko ay nanigas ako.
“Huwag!”
Nang gigilalas na sigaw ko.
“Sasama na ako,sasama na ako sa inyo!”
“Mabuti,tayo na kung gano’n!”
Nakangisi niyang tugon at nauna nang maglakad papuntang sasakyan.
“Mga hayop!”
Sigaw ko ng hawakan na ako ulit ng dalawang lalaki sa magkabilang braso.Napalingon ako sa pamilya kong umiiyak pa rin.Ang kambal na nagpupmiglas sa hawak ni tiyong at tiyang, katulong nito sa pagpapahinahon si Fely na impit na umiiyak.Si tiyang na umiiyak din at umiiling na nakatingin sa’kin.Si tiyong na puno ng pasa ang mukha at may galos pa sa katawan.
“Kayo na po ang bahala sa mga kapatid ko ,huwag niyo po silang pababayaan tiyang!”
Umiiyak na sigaw ko.
Tumango-tango naman ito at pinilit na ngumiti pero napahagulhol lang at niyakap ang kambal na walang tigil sa pag-iyak.
"Bes!"
Ngumiti lang ako ng malungkot kay Fely at tumango naman siya.
“Pasok!”
Nang maipasok ako sa sasakyan ay pinaupo nila ako sa likuran ng van.Mabilis akong tumingin sa labas ng makaupo .Pero nadurog lang ang puso ko sa nakita ko sa labas.Wala pa ring tigil sa pag-iyak ang kambal at nagwawala pa rin sa hawak nila tiyang.
“Mahal na mahal kayo ni Ate.”
Mahinang turan ko at napahawak sa bintana ng sasakyan ng magsimula na itong umandar. At habang umaandar ang sasakyan ay parang pinupunit din ang dibdib ko sa sakit.
Tumulo uli ang luha ko.Napahagulhol akong tumalikod na at humarap sa mga lalaking ngayon ay may kanya-kanya ng mundo.Na parang wala lang ,walang nangyari sa labas.Ang iba nag-cellphon,ang iba ay tahimik.
Tahimik na parang wala manlang silang ginawang karumaldumal sa pamilya ko.
Tahimik ang b’yahe at hindi ko pa rin maiwasan na paminsan-minsan ay napapahikbi.Tumingin na lang ako sa labas,doon ibinaling atensyon.Malayo na rin kami sa bahay,at kung magtatangka naman akong tumakas.
Baka mas lalong lumala ang sitwasyon.Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.At sana sa paggising ko,panaginip lang ang lahat.
Na sana ,magising na ako sa bangungot na ‘to!