Chapter Fourteen. SINALUBONG AKO nang mgha yakap ng mga pinsan ko. Napatawa ako dahil nag-aagawan pa sila sa kung sino ang yayakap. "Hey!" Bigla ay hinatak ako ni Caen at tinignan niya ang mga pinsan namin, "You'll hurt my sister." Busangot niyang sabi sa mga 'to at mas lalo pa niya akong itinabi sa kanya. Napasimangot si Zeke, "Damot mo naman, Bro!" Si Zeke ay anak ni Tito Hulio na pangalawang kapatid ni Papa. Kahit papaano ay nakabisa ko. "Tss.. As if this is your first time you guys saw her." Busangot na sabi ni Caen. Bigla ay ako ang nahiya sa inakto nitong Kambal ko. Pero base sa mga itsura nila ay parang sanay na sila sa ugali nitong kapatid ko. Kapatid.. Feels strange.. "Kahapon lang naman nila ako nakita-" Binalingan niya ako, walang kung anong emosyon ang mababasa sa mukh

