Chapter Thirteen. MAAGA AKONG nagising kahit pa ay madaling araw na akong nakatulog bukod kasi sa namamahay pa ang katawan ko ay laman ng isip ko ang mga nangyari at mga nalaman ko. Hindi pa rin ako masyadong makapaniwalang talagang mayaman ang tatay ko, mabubuo na kami at kapatid ko si Caen. Bumangon na ako at agad akong nagtungo sa mataas at makapal na kurtinang tumatabing sa malawak na glasswall ko at hinawi ko 'yon. Mabuti na lang talaga at hindi tumatama rito sa building ang araw. Nagpunta muna ako ng banyo upang gawin ang kailangang gawin at pagkatapos ay inayos ko ang inihigaan ko. Mamaya ko na lang aayusi 'yon. Lumabas ako ng kwarto at nagpalinga-linga pa. Tumingin ako sa kwarto ni Caen. "Tulog pa ba siya?" Tanong ko sa kawalan. Nasagot 'yon nang bumukas ang pinto at inilu

