Matapos maaprubahan ang vacation leave ko ay kaagad akong nag-asikaso ng mga gamit na dadalhin sa napili kong puntahan. Matinding pag-iwas ang ginawa ko para lang makatalilis pansamantala sa mga kaganapan ngayon. Ilang araw din bago ang mismong araw ng bakasyon ko ay inihanda ko na kung saang lugar ako pansamantalang tutuloy at kung ano-ano ang dapat na gawin ko roon para makapag-unwind. Sinubukan kong hindi magkaroon ng kahit na anong ideya tungkol kina Ross o kahit kay Cheska. Hindi naman siguro kalabisan ito kung pansamantala akong hihingi ng kaunting panahon para lang makapagpahinga bago sumabak sa panibagong hamon na naman. Hindi naman ako tatakas ng permanente — pansamantalang pagtakas lang. Katulad ng ginagawa ko sa mga nakaraang araw, nakapatay pa rin ang cellphone ko. Sapat na p

