"Ano ang plano mo ngayon?" Tanaw namin mula rito ang payapang tanawin habang magkatabi kami ni Ross. Nang humupa ang tensiyon sa pagitan naming dalawa kanina ay napili naming manahimik at samahan lang ang isa't isa. Napatingin ako sa gawi niya. Malayo ang tanaw at saka huminga nang malalim. "Hindi ko rin talaga alam. Wala akong maisip na paraan o dapat na gawin, Rosie. Gulong-gulo ako," nahihirapang tugon sa akin ni Ross. "Ano ba ang . . . ano ba ang nangyari?" Bakas sa tono ng boses ko ang pagdadalawang-isip pero ganoon pa man ay itinuloy ko pa rin iyon. "Alam kong naka-inom din ako noong gabing iyon. Pero hindi ko na maalala kung ano na ang nangyari pagkatapos niyon. Gumising na lang ako na . . . " Kaagad akong nag-iwas ng aking paningin nang saktong hindi na rin niya maituloy ang s

