Kaagad akong tumalima nang marinig kong kumilos ang nasa loob kaya dali-dali akong nagtago. Kasabay niyon ang pagbukas ng pinto kaya hindi na muna ako gumalaw rito sa kinatatayuan ko. Nang makarinig ako nang papalayong mga hakbang ay saka ako kumalma. Akmang lalabas na sana ako rito sa pagkakasandal ko sa pader nang magkagulatan kaming dalawa ni Ross. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkagulat maging na ako. Hindi ko inaasahan na makikita niya ako rito. Kung sabagay, bakit nga ba nakalimutan ko na papunta pala rito ang office nila? Ang kaninang gulat sa mukha nito ay napalitan bigla nang pagkabahala kaya kaagad niya akong nilapitan pa lalo kaya muli akong napasandal sa pader. Nakayuko ngayon sa akin si Ross. "Kanina ka pa nariyan?" dagli niyang tanong sa akin. Babahagya akong nag-isip

