Tila wala ako sa aking sarili habang nagtatrabaho. Alam ko na dapat ibinubukod ko ang personal kong isyu kapag nasa trabaho, pero hindi ko lang din maiwasan lalo na kung nandito lang din naman mismo ang problema ko. Kanina ko pa gustong-gustong humagulgol pero hindi ko magawa. Hindi ito ang tamang oras at lugar para umiyak. Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni Ross sa akin kanina pati na ang naging tagpo namin kanina. Wala sa hinagap ko na aabot kami sa ganitong pangyayari ni Ross. Maaga pa lang ay nauna na akong nagpaalam kay Ma'am Tiffany para umuwi. Nagtataka man ito ay hindi ko na pinansin pa at nagtuloy-tuloy lang ng lakad. Naging maingat ako sa bawat hakbang ng aking mga paa palabas ng kompanya para lang maiwasan ang mga taong gusto ko munang iwasan ng

