BUMANGON si Ryder na kumikirot ang ulo niya. Sobrang dami ng nainom niya kagabi. Kaya ito siya. Walang ganang pumasok sa kompanya. Nakalimot siya sandali dahil sa alak. Pero, bumalik ang sakit ngayong wala na siyang tama ng alak. Sana maging manhid na lang siya at wala ng naramdaman. Para hindi ganito kasakit. Bumaba si Ryder mula sa kama at dumiretso sa banyo niya. Nang makatapos makapag ayos ng sarili. Agad siyang lumabas ng kuwarto niya. Nadatnan niya sa kusina niya si Owen na nagkakape. Nakapagluto na rin ito ng almusal. "What are you doing here in my condo?" kunot noong tanong ni Ryder. "You are wasted last night. Ni hindi mo nga kayang maglakad palabas ng bar ko. And the worst is you didn't let me sleep. Dahil sa mga kalat mo. Dapat nga siguro iniwan na lang kita dito sa condo m

