NAKABALIK ng ospital si Devyn na nagdadalamhati sa kabiguan. Nawalan na siya ng trabaho. Hindi na rin niya makikita pang muli si Sir Chairman. Simula bukas ay maghahanap siya ng bagong trabaho. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon na kagaya sa RSC. Huli na para manghinayang. Hindi rin siya magtatagal doon kung ganoon ang trato ng ina ni chairman sa kanya. Dumiretso siya sa loob ng banyo para ayusin ang sarili. Humarap siya sa salamin. Namumugto pa rin ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Kinuha niya ang bag niya. At binuksan. Hinanap niya ang powder niya at lipstick. Pipilitin niyang matakpan ang pamumugto ng mata niya. Muli niyang tinignan ang mukha sa salamin. 'Di na masyadong halata. Ang hindi niya maitatago ay ang malulungkot na mga mata niya. Kung titigan mong maigi. Makikita ang pait do

