UMAGA na. Katitilaok palang ng manok sa labas. Tulog pa rin si Divina. Maagang gumising si Devyn para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Mag-isang taon na sila rito sa ospital. Kailan kaya makakaalis sila sa ospital na malusog na si Divina? Malungkot na sumulyap si Devyn sa kapatid. Panibagong araw ito para kay Devyn. Excited na siyang simulan ang araw niya na masaya. Pangalawang araw na rin niya sa trabaho. At sabik na siyang makita si Chairman Ryder Sable. May ngiti sa labi niya. Tsaka kinagat ni Devyn ang ibabang labi niya. Ano ba 'yan? Umagang umaga pumapasok sa isip niya ang amo niya. Natutop niya ang mukha niyang namumula ang pisngi. Dalawang beses palang silang nagkakasama. Iba na ang dating sa kanya ni Chairman Sable. Noong nakulong siya sa loob ng elevator ay hinanap siya nito. H

