AGAD na nai-park ni Ryder ang kotse niya sa tapat nang bahay na tinutuluyan ng dalaga. Mabilis siyang lumabas mula sa driver seat. Pabalya na isinarado ang pinto ng kotse. Nakalikha ng ingay na ikinalingon na mga taong nagtatambay at mga dumadaan sa harap ng harap nina Devyn. "Devyn—! Devyn—! Lumabas ka diyan! Mag-usap tayo!" mga sigaw ni Ryder. Habang malakas na kumakatok sa pinto ng bahay nina Devyn. Walang sumasagot. Lumapit siya sa bintana at sumilip. Mula sa labas ay ramdam niya na may tao. Muli siyang pumunta sa pinto at malalakas na hinampas ang pinto. Umiiyak na nakasandal si Devyn sa pinto ng kuwarto niya. Panay ang punas niya ng mga luha niya. Ang isang kamay ay nasa kanyang dibdib. "Devyn, hindi ka ba lalabas ng kuwarto mo?" dinig niyang tanong ng Tiya Teresa niya. Kumakatok

