BINUKSAN ni Devyn ang pinto ng kuwarto kapatid niya at pumasok sa loob. Saka nilapitan si Lola Anding. "Hi po, Lola Anding. Puwede po bang dito muna ako kay Divina? Gusto ko po sanang bantayan siya," pakiusap ni Devyn sa matanda. "Oo naman, Devyn. Ikaw na muna rito. Uuwi lang muna ako sandali sa bahay para magluto ng pagkain, pang-hapunan natin rito sa ospital." Ngumiti si Anding sa dalaga. Tumayo na siya at hinalikan lang sa noo si Divina. Saka lumabas nang kuwarto ng apo. Tinititigan ni Devyn ang kapatid. Napaluha siyang naisip na magkakaroon ng pader sa kanilang magkakapatid. Kung kailan na magkakasama sila. Muli ay magkakahiwalay ulit sila. "Patawarin mo ako, Divina," umiiyak na usal ni Devyn. Habang hawak ang kamay ng kapatid. Nakabuo ng desisyon si Devyn. Kailangan niyang maka

