"NO! Hindi ako makakapayag! I will ruined you, Ryder! Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakapaghiganti sa'yo!" Pinaghahagis ni Carmina ang kahit na anong madampot ng kamay niya sa ibabaw ng lamesa niya. At panay ang sigaw. Nasa opisina siya at napanood niya sa t.v. ang tungkol sa balita kay Ryder. Mayroon ng babaeng nagpapasaya sa puso ng cold hearted Chairman Ryder Sable. Ipinakita ang mukha ng babaeng hawak nito ang kamay at hinihila habang naglalakad. Napalingon siya sa pintuan. Nang marinig ang mga malalakas na katok. "Ma'am! Pakibukas po ang pinto! Ma'am!" malalakas na tawag ni Karina, ang sekretarya niya. "Leave me alone! I don't want to see anyone!" Natakot si Karina dahil sa malakas na sigaw ng amo niya. At agad na umalis palayo sa opisina nito. Nagluluksa ang kalooba

