"My dear, you look stunning!" Ito ang masayang sambit ng baklang designer. Pati ang mga assistant nito ay tumango para sumang ayon Pinagmasdan ko ang babae na aking nakikita sa salamin. She is wearing a white off shoulder lace and tulle princess ball gown. Napapalamutian ito ng mga mamahaling swarovski crystals na lalong nagpapalutang sa ganda ng kasuotan. "Si Mr Stephenson ang mismong pumili ng design. A multi million dollar gown for a gorgeous bride!" dagdag ng designer Muli kong pinagmasdan ang aking sarili. Malaki na ang aking ipinagbago simula nang una kong natagpuan ang sarili sa ganitong sitwasyon. Noon, bakas ang tamis ng aking ngiti sa aking mga labi at ang pagkasabik sa aking mga mata. Ngunit ngayon, kahit pilitin kong ngumiti ay bakas pa rin ang lamlam ng aking mga mata. "D

