Lumipas ang mga araw at itinuon ko ang pansin sa paghahanda para sa opening exhibit ng gallery. Tapos na ang design at rennovation ng lugar pati na ang installation ng halos lahat ng mga artworks. Naibahagi na rin ang mga imbitasyon sa mga bisita. May mga ilang maliliit na detalye na lamang ang inaayos ngunit halos lahat ay handa na para bukas.
Pagkalipas ng ilang sandali ay ipinark ko ang aking kotse sa harap ng cafe. Pagkatapos nito ay bumaba ako at naglakad papasok sa gusali. Pagkapasok ay naupo ako sa isa sa mga mesa.
Matapos kong umorder ng aking inumin ay tahimik akong naghintay. Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating na ang aking kausap,
"Ms Whitman, good morning. Ang aga mo," sambit nito at naupo
"Good morning, attorney,"
Lumapit dito ang waittress at kinuha ang kanyang order
"Well, I have a very good news for you,"
"What is it?" Halos dalawang linggo pa lamang ang lumipas nang ibinigay ko ang aking mga pirmadong papeles. Kaya interesado rin ako kung ano ang nais nyang ibalita
Muling lumapit ang waittress upang ihain ang tasa ng aking mainit na tsaa sa mesa
"Thank you," sambit ko dito. Tumango ito at saka umalis
Kinuha ko ang aking inumin at sumimsim,
"You're finally annuled,"
Bahagya akong nabilaukan mula sa pagsimsim ng aking inumin,
"S-sorry?" Inangat ko ang aking tingin kay attorney. Nais kong tiyakin kung tama ang aking narinig
Nakangiti itong tumugon, "You heard it right. Your previous marriage with Mr Alfonzo is now officially null and void,"
"You're finally free in the eyes of law. Congratulations,"
Tila umurong ang aking dila mula sa aking narinig. The moment I signed the papers, I knew this will eventually happen. But... I did not expect this to happen so fast.
"Uhm, pasensya na. I... I only meant that at least you are free to start your new beginning," pasubali nito
"I-it's fine," pinilit kong ngumiti. Tama naman sya, malaya na ako. I can now start my new beginning with Chase. Kung tutuusin, sya naman ang dapat kong pakasalan. Isang naging malaking kalokohan lamang ang aksidenteng kasal namin ni Adam
Nanginginig kong kinuha ang aking tasa at muling sumimsim
"Actually, I am quite surprised that Mr Alfonzo even helped expedite the process,"
Natigilan ako. Sya ang tumulong upang bumilis ang proseso?
"At first, I thought it will be challenging dahil ayaw nya pang pirmahan ang mga papeles na pinadala namin. But when he already signed those after a week, mismong ang legal counsel nya pa ang tumulong para mapabilis na ang desisyon," dagdag nito
"Maybe that's his gift for you after all that happened," sumimsim na rin ito sa kanyang inumin at inabot sa akin ang kopya ng desisyon
Bilang regalo sa akin? I laughed bitterly at myself.
Marahil nga ay ganoon katindi ang pagnanais nyang tuldukan na ang lahat sa aming dalawa. Hindi para sa akin, kundi para makalaya na rin sya agad.
Kahit anong pilit kong paalalahanan ang sarili na dapat ay maging masaya ako dahil unti unti nang nagiging maayos ang aking buhay ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pait. Ganoon lang ba kadali sa kanya ang lahat? Ganoon lang ba kadali na paghintayin ako sa wala? Dahil ba ito sa babaeng kasama nya noon sa bar? Minahal nya nga ba talaga ako?
Hindi ko akalaing dito na magtatapos ang aming kasal. Ang minsang pinangarap ko na magsasama kami habangbuhay at bubuo ng pamilya. Na hindi ko inakalang matutunan kong mahalin ang taong dumukot sa akin. Pero lahat ng iyon... ay kasinungalingan lamang.
"Ms Whitman, do you have any questions?"
Napukaw ang aking pansin mula sa mga iniisip,
"I'm good, thank you,"
Ngumiti ito, "Well then, congratulations. I have to go now,"
Pareho kaming tumayo at nakipagkamay. Tumalikod na ito upang umalis habang kinuha ko ang aking bag at inayos ito
"Uh, Ms Whitman," tumigil ito at lumingon sa akin
Bumaling ako dito
"You might not be interested, but I heard your ex husband is migrating to the US,"
Bahagya akong natigilan ngunit walang ekspresyon ang aking mukha. Nanatili akong tahimik
Muling tumalikod ang abogada at naglakad na paalis
......
Nang matapos ko na ang mga natirang trabaho ay nagpasya na akong umuwi sa bahay. Hindi na ako naghapunan at bagkus ay dumiretso na sa aking silid. Wala akong ganang kumain at ang tanging nais ko na lamang ay makapaglinis ng katawan at magpahinga. Marahil ay napagod ako nang husto ngayong araw.
Pagkatapos maligo ay nahiga na rin ako sa aking kama. Tila blanko ang aking isip. Kung tutuusin ay dapat maging masaya ako. Malaya na ang aking pangalan at bukas ay maisasakatuparan ko na ang aking gallery. But why do I feel so empty?
Matapos ang ilang minuto na hindi ako mapakali sa kama ay nagpasya na lamang akong bumangon.
Naupo ako sa aking study hanggang sa mapadpad ang aking paningin sa painting ng bahay... ng dati naming bahay.
Sa isang iglap ay muling bumalik sa aking isip ang lahat ng masasaya naming alaala....
Sa sumunod na iglap ay namalayan ko na lang na tumutulo na ang aking mga luha...
Patuloy ang aking paghikbi. Tila ngayon lang bumuhos ang mga emosyong pinipilit kong pigilan. Dati, ang nais ko lamang ay matapos ang aming pagpapanggap at tuluyang mawalan ng bisa ang aming kasal. Ngunit ngayong tuluyan na akong malaya, bakit labis pa rin akong nasasaktan?
.....
Kinabukasan, maaga akong nagtungo sa gallery para tiyaking maayos na ang lahat bago ang opening exhibit nito mamayang gabi. Habang nag aayos ako sa loob ay may dumating na truck at huminto sa harap ng gusali. Bumaba mula dito ang isang lalaki at pumasok sa loob,
"Ms Whitman,"
Lumapit ako dito, "Ako nga. Anong kailangan mo,"
"Pinapunta po ako dito ni Dan Anderson upang kunin ang kanyang mga paintings, kasama na rin ang mga artworks ng ibang mga artist,"
"W-what?"
"Pasensya na po,"
"Mamayang gabi na ang exhibit. At wala silang abiso sa akin tungkol dito,"
"Bes, anong nangyayari dito?" sambit ni Madi na kararating lamang
"Pinapa- pull out nina Anderson at ibang mga artist ang kanilang mga paintings,"
"Huh? Nagsabi ba sila?"
Umiling ako, "Wala. I regularly monitor all my emails. This is all of a sudden,"
"Wait, tatawagan ko si Tyler," Nagtipa si Madi sa kanyang phone at tinawagan ang general manager ng museum
"Tyler, uh, may problema kasi kami,"
"May nagpunta dito sa gallery ni Anastasia at pinapa pull out daw nina Anderson at ng ibang mga artist ang mga gawa nila,"
"We don't know why... and wala rin silang official communication sa amin. Kaya hindi rin namin maintindihan. Besides, mamaya na ang opening exhibit ng gallery!"
"Sige, we will wait for your advice. Salamat,"
Pinutol na ni Madi ang tawag
"Sir, ivavalidate lang namin directly sa mga artist ang tungkol sa pagpull out ng mga paintings. Kung maaari hintayin muna natin ang confirmation," sambit ni Madi sa lalaki
"Maupo muna tayo," anyaya ko
"Sige ho. Napag utusan lang rin po ako sa aming opisina,"
Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating si Tyler. Pareho kaming tumayo ni Madi mula sa aming kinauupuan
"Mr Reef, please tell me that it was only a misunderstanding," nag aalala kong sambit
"I'm sorry Ms Whitman. Dan and the other artists confirmed that they want to pull out their artworks,"
"Huh?! P-pero bakit daw? Nagkasundo naman kami sa terms,"
"Unfortunately, hindi nila sinabi ang dahilan. Out of the five local artists na nasa line up natin, tatlo sa kanila, kasama na si Dan ang hindi tumuloy. Tinawagan ko ang dalawa at kinumpirma nilang tuloy ang exhibit ng kanilang mga obra,"
Napabuntong hininga ako, "I'm glad that the two artists decided to stay. But Dan is the most promising among the group, at inaabangan din ang kanyang mga gawa ng halos lahat ng mga bisita. Makaka apekto talaga ito sa opening exhibit. It will be a flop,"
"What are we going to do now?" rinig ang desperasyon sa aking tinig
Sinubukan akong pakalmahin ni Madi, "Bes, don't worry too much. Magagawan natin yan ng paraan," Patuloy nitong hinimas ang aking mga balikat
"I'm sorry, Ms Whitman. I will try to call other artists. Baka may batikang artist din tayong mahanap,"
"I will also help call," ani Madi
"Salamat Madi, Tyler. Susubukan ko ring puntahan nang personal sina Dan at iba pang artist para kumbinsihin sila,"
Nagkasundo kami sa mga susunod na hakbang at wala nang inaksaya pang oras. Hapon na nang magkita kami ni Madi sa gallery,
"Bes! Kamusta?"
"May nakuha akong isang artist. Naalala mo yung kaklase natin dati, si Jose Rodriguez?" dagdag nito
"Yung photographer?"
"Oo! Hindi pa sya kasing sikat ni Dan, pero he's starting to build his name in Hong Kong and Thailand. So I felt this is our good opportunity to first showcase his work dito sa Philippines,"
Rring! Rring!
"Anastasia, I heard that Dan Anderson will not show his artworks tonight. Is it true?" sambit ng nasa kabilang linya
"We are fixing our artist line up. Besides, our gallery will showcase good works from the other artists," tugon ko
"Oh my! Then it will just be a waste of time. I'm sorry but I won't come,"
Pinutol na nito ang tawag
Napahilamos ako ng mukha, "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Madi. Sinubukan kong kausapin si Dan, pero ayaw nya talaga. Yung dalawang artist naman, ayaw na nilang magpakita,"
Inalis ko ang aking mga kamay mula sa aking mukha at humarap kay Madi,
"Dapat ko ba pang ituloy ito? Kumakalat na ang balita na nagpull out si Dan, at may mga bisita na ring tumatawag na hindi sila pupunta mamaya,"
"Bakit ba palagi na lang akong nabibigo, Madi?" tuluyan nang nabasag ang aking boses
"Bes," hinatak ako nito para sa isang yakap
"Everything about me is failure..." sambit ko sa gitna ng aking pag iyak
"I had a failed career... My project now is failed.... and I even had a failed marriage...."
"And even when he already moved on, I can't let go of him..."
Nanatiling tahimik si Madi habang patuloy ang pag alo nito sa akin. Matapos ang ilang minuto ay nagsalita ito,
"Bes, those who truly support you will never leave your side. Ituloy mo ang exhibit, maraming mga tao ang naniniwala sa 'yo... at may mga artists na umaasa din sa 'yo,"
Nang bahagyang kumalma ay bumitaw ako mula sa yakap ni Madi. Pinunasan ko ang aking mga luha,
"You are responsible for promoting their works of art, kaya go back to work, Curator Whitman!"
Napalitan ng tawa ang aking pag iyak. Tumango ako, "Tama ka, tigilan ko na ang kadramahan ko. Kahit anuman ang mangyari mamaya, kailangan kong gampanan ang responsibilidad ko sa mga nanonood at sa mga artist na nagtiwala sa gallery,"
"Oh sya, magmeryenda nga muna tayo," ani Madi. Akma na itong nagtipa sa kanyang telepono nang may bumati sa amin,
"Hey ladies!"
Naroon sa may pinto si William. Itinaas nito ang isa nyang kamay na may hawak na mga inumin at pagkain
"Hey! You're just right on time!" tugon ni Madi
"Please have a seat," anyaya ko kay William
"I was in the area kaya I thought na dumaan na rin dito before your opening night and brought you some snacks," ibinaba nito ang dala nitong mga pagkain at inumin na nasa loob ng plastic
"Hay sa wakas, may ginawa ka ring tama," pang aasar ni Madi.
"Excuse me?!" napipikong tugon ni William
Matapos ilabas ang mga pagkain at inumin mula sa plastic ay niyaya ko na sila. Ngumiti ako, "Kayong dalawa, tama na yan. Kumain na muna tayo. Salamat, William ha,"
Sandali ako nitong pinagmasdan
"A-ano yun?" tanong ko
Tila natauhan naman ito, "N-nothing,"
"You must be very excited for the opening exhibit later," sambit nito sabay ang pagkagat sa kanyang chicken sandwich
"Ang totoo nyan..."
"Nagback out ang ilan sa mga artists. Unfortunately, isa sa mga nagpull out ng kanyang artworks ay yung inaabangan ng mga attendees later. Kaya yung ibang nakarinig ng balita, hindi na rin sila dadalo mamaya,"
"What?" tugon ni William
Napabuntong hininga ako, "Ginawa na namin lahat ng aming makakaya pero the artist still wouldn't want us to feature his work. I guess we'll just have to accept it,"
"Buti na lang nandito si Madi para tulungan at palakasin ang loob ko,"
Tumango si William, "Just trust that everything will be fine, Anastasia,"
"Salamat,"
Matapos naming magmeryenda ay nagpaalam na rin si William. Nagpaiwan muna kami ni Madi upang hintayin ang mga artworks ni Jose. Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating na nga ito,
"Jose!" bati ni Madi
Nakangiti itong lumapit at kumaway sa amin, "Long time, Madi, Anastasia!"
"Nice meeting you Jose! And... thank you so much for gracing us," tugon ko
"No problem, at all! Noong ibinalita sa akin ni Madi na curator ka na ng gallery, I personally wanted na ikaw mismo ang magpromote ng aking photography. Kaya thank you for giving me the opportunity to showcase my works,"
"It's our pleasure,"
"Oh, pano, ilagay na natin ang mga artworks ni Jose!" anyaya ni Madi
Nagtulung tulong kaming lahat para sa installations. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na kami. Hindi ko inakala na babagay ang isang hall sa mga photographies ni Jose.
Nang mapadpad ako sa bakanteng hall ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Dito sana nakalagay ang mga paintings ng dalawa pang artist na nagback out. Sinimulan ko nang hilahin ang movable walls para takpan ang hall na ito,
"Bes! May naghahanap sa 'yo,"
Lumingon ako kay Madi at natagpuan ang isang lalaki sa tabi nito,
"Good afternoon, Ms Whitman. I'm Terrence, secretary ni Sir Kiel Vanti,"
"S-Sir Kiel? Gustung gusto ko syang imbitahan upang ishowcase ang kanyang mga paintings pero nasa abroad sya ngayon,"
"Ipinadala po ni Sir ang ilan sa kanyang mga paintings para ifeature dito sa gallery,"
Napaawang ang aking mga labi
"Sa tingin ko'y sapat ang mga ito para punuin ang hall na 'yan," tukoy nito sa bakanteng hall
"S-sigurado po ba kayo?"
Tumango ito, "Nasa Europe pa po sina Sir pero ipinapaabot nya ang kanyang suporta. Ang mga dala kong paintings ay kabilang sa pinakabago nyang collection. Ang inyong gallery ang kauna unahang magpapalabas nito,"
Sandali akong gumewang dahil sa panlalambot,
"Ma'am!"
"Bes!"
Agad na sumaklolo sa akin ang lalaki at si Madi. Nang bahagya akong kumalma ay pinunasan ko ang aking mga luha,
"S-salamat. Maraming salamat. Pakisabi kay Sir Kiel at sa asawa nya na maraming salamat sa tiwala. I'm... honored and so much grateful. I'll do my best to promote his newest collection,"
Tumango ito at bumalik na sa sasakyan upang ipasok ang mga paintings. Tulad kanina ay nagtulung tulong kami upang matapos ang mga installation. Pati si Jose ay tumulong din,
"Wow, I can't believe na magkatabi lang kami ng hall ni Sir Kiel Vanti!" hindi makapaniwalang sambit ni Jose
Pareho naman kaming tumawa nina Madi at ng lalaki. Matapos ang installation ay nagpaalam muna sila upang makapag ayos bago ang opening exhibit. Nagpatira pa ako upang ipadala ang mga email invitations kung saan nakalagay ang bagong line up ng featured artworks bago umalis upang makapaglinis at ayos ng sarili.
To my surprise, dinagsa ang aming opening exhibit. Pati ang mga tumawag kanina na hindi makakarating dahil wala ang mga artworks ni Dan ay dumalo rin,
"Anastasia," sambit ng kausap ko sa telepono kanina
"I just wanted to apologize for what happened kanina. Thank you for still welcoming me dito sa gallery,"
Tumango ako, "I hope you will enjoy this night,"
"Hi, Anastasia!" lumapit si Mrs Campbell kasama ang asawa nito at niyakap ako
Ngumiti ako, "Hi, Elle! Thank you for coming,"
"Of course, we will be here to support you,"
"Hi, Anastasia!" pati si Mr Rockefeller ay dumating din
"Thank you for coming, Caleb,"
"Hi, Anastasia!" bati ni William kasama si Tessa
"William, Tessa, thanks for coming,"
"Ms Whitman, gumawa ako ng cake. Sana magustuhan mo," inabot nito ang isang kahon
"Salamat!" tugon ko at inilapag ito sa buffet table
Ilang sandali pa ay dumating na si Dad, "Anak, congratulations,"
"Thanks Dad," niyakap ko ito
"Bes! Congratulations!" kakarating din ni Madi kasama sina Berna at Tyler
"Madi," lumapit ako dito at niyakap ito. Muli ay hindi ko napigilang maluha dahil hindi ako nito iniwan sa kabila ng lahat
"Bes, gusto mo bang maging artista? Kanina ka pa iyak nang iyak!"
Tumawa naman ang mga nakapaligid sa amin
Pinunasan ko ang aking mga luha, "I...I'm just so happy that you're all here. Thank you so much,"
Pati si Elle ay naiyak na rin
"Bes! Pati ba naman ikaw!" kantyaw ni Berna kaya nagtawanan na ang lahat
Napalitan ng saya ang aking puso. Lalo na nang makita ko ang mga inimbitahan naming mga iskolar at estudyante upang mabigyan sila ng pagkakataong makita ang mga artworks ng mga bago at batikang artists.
Sumunod pang dumating ang ilan sa mga matataas na tao. Halos hindi ko na sila kilala at marahil ay inimbitahan rin sila ni Dad. Ang iba nama'y mga kaibigan nina Mr Campbell, Rockefeller at William sa negosyo.
Habang pinagmamasdan ko silang magkakaibigan ay hindi ko maiwasang maalala si Adam... Kamusta na kaya sya? Pinagmasdan ko rin ang kani kanilang mga asawa at nobya... Kung hindi nangyari ang mga masasakit na alaala noon... siguro ay masaya pa rin kami ngayon. Siguro hindi kami naghiwalay.
Pinilit kong iwaksi ang mga iniisip at naglakad na pabalik sa hall upang igiya ang mga bisita
"Ms Whitman!" lumapit sa akin ang isang babae. Sya ang director ng sariling gallery ni Sir Kiel at kasama ng lalaking tumulong kanina. Ipinadala sya rito upang tulungan ako lalo na sa bagong collection ni Sir Kiel
"Ano yun, Ms Smith?"
"I'd like to introduce you to one of our visitors. Actually, sya ang tumawag kay Sir Kiel para magpadala ng kanyang collection dito sa gallery,"
"Oh, let's meet him then. Para makapagpasalamat ako,"
Sumunod ako kay Ms Smith hanggang sa makarating kami sa right wing. Naroon ang isang matangkad na lalaking nakaharap sa glass walls.
"There he is!" ani Ms Smith
"Sir!" dagdag nito
Handa na akong bumati ngunit natigilan ako nang makita ang kanyang pamilyar na mukha
"Ms Whitman, this is Mr Alfonzo. Sya ang tumulong na tumawag kay Sir Kiel!"
"Mr Alfonzo, this is Ms Whitman, ang curator ng art gallery," nakangiting saad ni Ms Smith
Nakaawang ang aking mga labi ngunit walang boses na lumabas mula sa akin
His eyes were still dark and serious, while he's gazing at me. Seryoso at wala ring ekspresyon ang kanyang mukha kaya hindi ko malaman kung ano ang kanyang saloobin
"Oh, pano. Maiwan ko muna kayo," paalam ni Ms Smith. Sinundan ko ito ng tingin habang sya'y papalayo na tila gusto ko nang sumunod dito
Napayuko ako at nanatiling tahimik. For a moment, I didn't know what to do!
"Is this how you treat your visitors?" napukaw ang aking pansin mula sa kanyang boses.
"Uh...uh... I'm sorry," hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Halu halo ang aking nararamdaman.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang kanyang mga yapak na papalapit sa akin
"O namimili ka lang ng mga kakausapin mo? You were jovial talking to your visitors, but why would you not even talk to me," may himig ng disgusto sa kanyang pananalita
"O baka naman hindi mo rin gustong nandito ang mga gawa ni Sir Kiel. Madali ko namang ipatanggal ang mga ito,"
Mabilis akong umiling, "N-no! It's not what you think," Tila dalawang taon ang dalawang linggo na hindi ko sya nakita. Gustung gusto ko syang makita. Pero hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin
"Then, what could you do to thank me?" bahagya itong yumukod at inilapit ang kanyang mukha sa akin
"Huh?" para akong mapapaso sa init ng aking mga pisngi. Tila nabingi na ako sa lakas ng t***k ng aking puso
"Hmm," halos magdikit na ang aming mga mukha sa sobrang lapit
I winced...
Ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay walang dumampi sa aking labi. Agad kong iminulat ang aking mga mata.
He's staring at me, "Tatayo ka na lang ba dyan?"
Tila natauhan naman ako
"Uh, no! Please follow me, I will bring you to Ms Smith so she can show you around sa bagong collection ni Sir Kiel,"
"I want to see all of the artworks," seryoso nitong sambit habang naglakad ito at nilagpasan ako. Sandali itong huminto,
"Don't you think it's more appropriate if you personally show me around rather than letting me see those by myself? If you really want to thank me... Ms Whitman" malamig nitong tono
Ms Whitman...Napahiya ako. Ano nga bang ipinapalagay ko? Hindi na sya ang dating Adam na kilala ko. Hiwalay na kami bilang mag asawa. Wala na syang obligasyon sa akin at ginawa nya ito hindi dahil sa akin. Negosyante sya... at marahil ay may nakikita syang potensyal kung dito sa Pilipinas unang ipapalabas ang mga bagong obra ni Sir Kiel. Nagkataon lang na sa aking gallery ito ipapalabas...
Kaya dapat ay gampanan ko ang aking trabaho bilang isang curator ng gallery na ito at bilang pagtanaw na rin ng pasasalamat!
"For sure, Mr Alfonzo. Please follow me,"
Inilibot ko sya sa lahat ng mga paintings at artworks. Ikinwento ko sa kanya ang mga alam kong istorya sa likod ng mga obra pati na ang mga technique na ginamit ng mga pintor. Nang makarating kami sa hall ng mga painting ni Sir Kiel ay bagamat hindi ko alam ang eksaktong istorya ay inilahad ko ang karaniwang tema pati na ang aking mga nararamdaman base sa kanyang mga gawa.
Tila bumalik ako sa nakaraan. Tila nasa art exhibit ako noon ni Sir Kiel kasama si Paolo... Kung sumipot ako at sinamahan sya, siguro ay ganito ang itsura namin noon. Sana ay magkasama rin naming pinagmasdan ang mga paintings ni Sir Kiel...
"Siguro ganito rin ang exhibit nya noong high school pa ako. Sayang lang at hindi ako nakapunta noon. I didn't know that I'll get to experience it in my own gallery this time,"
Nang inangat ko ang aking tingin ay natagpuan ko si Adam na tahimik na pinagmamasdan ako. Muli na namang bumilis ang t***k ng aking puso nang magtama ang aming mga mata,
"Uh...Mr Alfonzo, let's proceed to the next hall," anyaya ko. Tila natauhan din ito at tumango
Pagkarating namin sa hall ng mga photographies ni Jose ay natigilan naman ako sa mga pinagkakaguluhan ng mga tao,
"Anastasia!" bati ni Jose
"J-jose..."
"Did you like your pictures?"
"I...I didn't know that you will exhibit pictures of myself. Paano ito nakuha? And... bakit hindi ko naman ito nakita kanina?"
Ngumiti ito, "This is meant as a surprise. You may not know it, but I had a crush on you since we were in high school. Kaya naman noong nakita kita sa US one time, I decided to take some of your candid shots,"
"Mhemm!" napukaw naman ang aming pansin sa malalim na boses ni Adam
"Uh... Mr Alfonzo, this is Jose Rodriguez. He's a new and upcoming photographer. He's building his name in Asia and we're happy that he accommodated to show his artworks dito sa gallery, first in the Philippines,"
"Nice to meet you, Mr Alfonzo," nakangiting saad ni Jose at inilahad ang kanyang kamay
"Jose, this is Mr Alfonzo. He's---"
"Ms Whitman, I want to see the other paintings. Can you show me to the other hall?"
"Uh, yes of course," Lumingon ako kay Jose at nahihiyang ngumiti, "Thank you, Jose,"
Ngumiti pa rin ito, "It's fine, Anastasia,"
Nang matapos kong ilibot si Adam ay dumating rin ang mga kaibigan nito sa lobby,
"Bro! You came here!" nakangiting saad ni Caleb at tinapik si Adam
"You surprised us! I thought kanina ang flight mo sa US," ani Matt
"Well, something must have made our friend stay," nakangiting saad ni William
"Adam, sinong kasama mong tumingin ng mga artworks? Sana sumama ka sa amin," ani Elle
Agad namang iniwas ni Adam ang kanyang tingin
"May kasama ako..." he cleared his throat, "Nagpasama ako kay Ms Whitman,"
"Ms Whitman? Bakit masyado naman kayong pormal?" sabat ni William. Halos nagpipigil ng tawa ang mga kasama namin
"Well, I have to go. Thank you for showing me around," sambit nito sa akin. Muli ay umurong na naman ang aking dila
Tumalikod na ito at naglakad paalis
Nagtatalo ang aking isip. Hahayaan ko na lang ba syang umalis? Yayayain ko ba syang magkape para makapagpasalamat? Ihahatid ko ba sya sa labas? Ugh! But we're not a couple. At least what I can do is...
"M-mr Alfonzo!" hinihingal kong sambit
Akma na itong papasok sa kanyang sasakyan. Ngunit tumigil ito at lumingon sa akin
"A-alam kong wala na tayong obligasyon sa isa't isa. Nabanggit din sa akin ng abogado ko na pupunta ka na ng Amerika... pero gusto ko lang magpasalamat. I know... hindi mo ito ginawa para sa akin. Pero, salamat pa rin,"
Tila bahagya itong natigilan ngunit agad ding nakabawi. Tumango ito at muling tumalikod,
"Adam!"
Sandali itong tumigil ngunit nanatiling nakatalikod sa akin
"Naghintay ako sa Bryant Park... muli rin akong dumaan ng gabing iyon para makita ka... Alam ko wala na ring silbi para sabihin ko ito. Pero umasa ako noon na magkausap tayo. Wala akong gustong mangyari ngayon, but I wish you well,"
"Kung ito man ang huli nating pagkikita, masaya ako dahil nakita kita... at nasabi ko ang gusto kong sabihin sa 'yo," nanatili akong nakayuko at nang matapos ko ang aking sasabihin ay agad na akong tumalikod at tumakbo pabalik sa gallery
Pagkapasok ay sinalubong ako ni Ms Smith, "Congratulations, Ms Whitman! Your opening exhibit was a success!"
"Halos sold out ang mga paintings pati na collection ni Sir Kiel at ni Jose Rodriguez. In fact, nag iisa lang ang bumili ng lahat ng photos mo na inexhibit ni Jose... worth 10 million pesos!"
"Lahat ng pictures ko? Sino ang bumili?"
"Si Mr Alfonzo!"