"Bes, is there anything wrong?"
Napaangat ang aking tingin mula sa aking kinakain kay Madi,
"Huh?"
"Kanina ka pa kasi parang malalim ang iniisip. Halos hindi mo nga ginagalaw yang pagkain mo,"
Muli kong pinagmasdan ang isang mangkok ng noodles na aking inorder. Halos hindi pa ito nabawasan.
Halos hindi ako nakatulog kagabi. What was going on with him? Why did he have to write me that message?!
"Anong plano mo nyan mamaya?"
Hindi muna ako nagpunta sa gallery at bagkus ay inasikaso ang mga permit at iba pang dokumento na kailangan para sa opening nito. Pinilit kong maging abala upang maiwaksi ang bumabagabag sa aking isipan.
Why was I even thinking about it?! Bakit ko pa kailangang makinig sa mga kasinungalingan nya? Ano pa bang paliwanag ang kailangan ko samantalang malinaw pa sa sikat ng araw ang bank transaction na ipinakita ni Moira?
"Bes, okay ka lang ba?"
"Uh, pasensya na Madi,"
"Marami lang akong iniisip," dagdag ko
"Chill ka lang Bes, you are doing fine. I know that your opening exhibit will be a success!"
"Salamat Madi,"
Ipinagpatuloy na namin ang pagkain. Nang matapos ay binayaran na namin ang bill at saka lumabas ng restaurant. Habang naglalakad sa mall ay nagpaalam na ako dito,
"I'll need to go home now. Magpapahinga na lang muna ako,"
"Oh, what a small world!" parehong napukaw ang aming pansin ng isang pamilyar na boses
"Long time, Anastasia!" nakangiting lumapit sa amin ang isang babae
"Lauren,"
"Nakabalik ka na pala. What are you doing here?"
"Madi and I just had our lunch,"
"I see... I guess you've been enjoying a lot of slack time these days,"
"Ehem!" ani Madi
"Ang totoo nyan, Anastasia has been very busy with her project these days. She just had her break now," dagdag nito
"Oh, what kind of project is it? Some sort of a low profile project?" sarkastiko itong tumawa
"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong ko
"I'm going to the spa as I'll be attending the company gala tonight,"
Company gala?
"Oh, aren't you invited?" Ngumiti ito, "I'll be officially announced as the VP for Marketing during the company dinner tonight. It's one of the announcements that will be made,"
"Kung sa bagay, you're already out of the company that's why you're not aware," dagdag nito
I knew it. Kukunin nya ang pagkakataon upang ipamukha sa akin na sya na ang may hawak ng dati kong posisyon. I will not give what she wants from me.
"Congratulations, Lauren. Enjoy the dinner," kalmado kong sambit
Bahagya itong natigilan ngunit agad ding nakabawi,
"Alright, then. I have to go, bye!" nakangiti nitong saad saka umalis
"That b***h!" nanggigigil na sambit ni Madi
"Bes, calm down. Hayaan mo na sya," awat ko
"Bes! Anong hayaan sya? Harap harapan nyang pinagmamayabang sa 'yo na inagaw nya ang posisyon mo!"
"I know. But what can I do about it?"
"She will be happier if she sees that I'm angry about it,"
"Besides, wala naman na akong posisyon sa kumpanya kaya itutuon ko na lang ang pansin ko dito sa gallery,"
Napukaw ang aming pansin sa tumutunog kong phone. Kinuha ko ito mula sa aking bag at nakitang tumatawag si Moira,
"Moira?"
"Ma'am, pinapapunta po kayo ni Madame sa company dinner ng alas syete. Sa Grand Elysse hotel po ang event,"
"P-pero Moira, I'm no longer with the company,"
"Mahigpit po ang bilin ni Madame, Ma'am Anastasia. Kaya kailangan nyo pong pumunta,"
"S-sige,"
Pinutol ko na ang tawag at saka napabuntong hininga na lamang
"Ano daw, Bes?"
"Tumawag si Moira, pinapapunta ako ni Mom sa company dinner,"
"Aba buti naman at naalala pa rin nilang ikaw ang anak ng Chairman,"
"But... it just feels weird. Si Mom mismo ang ayaw akong bumalik sa kumpanya. Pero bakit nya ako pinapapunta sa event?"
"Bes, h'wag na kang mag overthink. Akong bahala sa 'yo. I'll make sure na kakabugin mo si Lauren sa inyong company dinner!"
Wala nang inaksaya pang oras si Madi at sinamahan akong mamili ng susuutin para sa event mamaya. Pagkatapos nito ay dumiretso naman kami sa isang salon at spa upang magpaayos. Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin kami,
"Wow, Bes! You look gorgeous!" sambit ni Madi
Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. I am wearing a navy blue assymetric off shoulder tube silk fabric cocktail dress. Bumagay dito ang make up na ginamit sa akin pati na ang sapphire blue dangling earrings. My hair was pulled into a low bun.
"Thank you, Madi," nakangiti kong saad
Pagkatapos magpasalamat sa hair and makeup artist ay umalis na kami. Nasa parking na kami ni Madi nang magpaalam na ito
Kinse minutos na lang bago mag alas sais. Hindi ko maiwasang maalala ang kanyang sulat.
"Bes, enjoy the evening! Do what your heart tells you,"
"Thank you, Madi,"
Tumango ako at pumasok na rin sa kotse
Habang nagmamaneho ay nagtatalo pa rin ang aking isip at puso. Kinse minutos na makalipas ang alas sais....
Pagkatapos makipagbuno sa traffic at sa pagtatalo ng aking isip at puso ay nagpasya akong lumiko sa intersection. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa Bryant Park....
Kulay kahel ang buong kalangitan hudyat ng paparating na takipsilim. Nagsisimula nang umihip ang malamig na hangin. Maraming mga estudyante at empleyado na namamasyal sa parke. Luminga linga ako upang hanapin sya ngunit hindi ko ito nakita. Nagpasya na lang muna akong maupo sa isa sa mga silya.
I was fidgeting with my hands while waiting for him. Naghahalong kaba, inis, at pagkasabik ang aking nararamdaman. Paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang sakit ng kalooban na aking naramdaman simula ng araw na iyon. Paulit ulit kong hiniling na sana'y nananaginip lamang ako ngunit masakit ang katotohanan. Pero bakit nandito pa rin ako ngayon? Bakit nais ko pa ring makita sya?
Gusto kong sumigaw sa kanya. Gusto kong malaman bakit nya ginawa ito. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Isang oras na ang lumipas at tanging ang mga ilaw sa parke ang nagbibigay liwanag sa kabila ng madilim na kapaligiran. Ngunit wala pa sya...
Muling tumunog ang aking phone
"M-mom?"
"Where are you?!"
"Uh, I'm on my way,"
"What do you think you are doing?! Pwede ba, gumawa ka naman ng tama!"
"Sorry Mom,"
"I don't need your apologies! I need you to come here. Now!" saka pinutol nito ang tawag
Sunud sunod na bumagsak ang mga luha sa aking bestida. Bakit ba ang tanga tanga ko para umasa sa kanya?!
Pinawi ko ang aking mga luha at nagpasya nang umalis. Naglakad ako pabalik sa aking kotse at dumiretso na sa hotel
Pagkarating ay sinalubong ako ni Moira,
"Ma'am Anastasia, this way,"
Hinatid ako nito patungo sa isa sa mga mesa para sa VIP,
"Hija, you're...here!" bahagyang nagulat si Dad.
Ngumiti si Mom, "I invited Anastasia to join this event. After all, she's still our daughter,"
Kasama sa mesa sina Lauren pati na ang mga magulang ni Chase
"Hija! Nice to see you," tumayo ang ina ni Chase at niyakap ako
"Thank you Tita," tugon ko at yumakap pabalik
"Hija, please take a seat," tumayo si Dad at iginiya ako sa aking upuan
"Thanks Dad,"
"I'm so happy to see my future daughter in law," nakangiting saad ni Mrs Stephenson
"Same here. You look as beautiful as ever, Hija," sambit ng asawa nito
"Thank you, Tito,"
"Uh, Mrs Whitman," agad sumingit si Lauren, "Thank you for arranging this event and for believing in my capabilities. I will strive to become a better leader,"
"Oh, dear," bumaling si Mom kay Lauren na katabi lamang nya at hinawakan ang kamay nito, "I have always seen your potential. You deserve the promotion so you should enjoy this night,"
"Only selected few have the capabilities to take this company to greater heights," dagdag nito
"Thank you, Tita,"
Bumaling ito sa akin at nakangiting nagsalita, "Anastasia, I hope you don't mind I'm taking over your role. I know I have a big shoes to fill in so I will do my best,"
Tumango ako. I know that fake smile of hers
"By the way, what are you up to these days?"
Tinanong na nya ako tungkol dito kanina ngunit nais nyang marinig din ng mga magulang ni Chase na nandito ang aking sasabihin. Talagang gusto nyang ipamukha na naungusan na nya ako
"Oh, why don't we discuss about---" singit ni Mom
"I'm working on my project," kalmado kong sagot
"Oh, what kind of project?" muling tanong ni Lauren
"There are more important things to dis---" muling pagsabat ni Mom habang pinandidilatan ako ng mata
"I'm setting up my own art gallery," tugon ko. Bahagyang natigilan ang mga nakaupo sa mesa
"As you know, art has been my passion. So I wanted to translate that passion into sustainable action that would benefit not only the elites but the local artists and the people from all walks of life who appreciate art,"
"Besides, art is a common language regardless of someone's socioeconomic status. So I want to make it accessible to everyone,"
Bumaling sa akin si Dad at tumango, "I am proud of your plan. Keep it up,"
"Thanks Dad,"
"Very well said, Hija! I admire your authenticity and independence. That is why I know you are the perfect match for my son," sambit ng ina ni Chase
"Please don't hesitate to let me know if you need any additional help," dagdag ng ama ni Chase
"Thank you. It's a lot of work but I'm on track,"
Nanatiling tahimik sina Mom at Lauren. Pagkatapos ang ilang sandali ay muling nagsalita ang huli
"Uh, Anastasia, I heard a driver took you away because apparently you were married to him. How will it affect your engagement with Chase?"
Nagtinginan ang mga magulang ni Chase pati na rin ang aking mga magulang. Ang alam ko ay tanging sila lamang ang nakakaalam nito kaya bahagya akong natigilan nang marinig ito mula kay Lauren
"I'm sure it must be a hearsay. You will not marry someone else on the night before your wedding with Chase!" dagdag nito
"Enough of that!" seryosong sambit ni Dad
"I don't think you need to bother yourself on that, Ms Taylor," sambit ni Mrs Stephenson
"We are aware that it was an accident and that she was kidnapped," pagpapatuloy nito
"Besides... I know Anastasia so well that I will support her on whatever she chooses... even if she decides not to marry Chase,"
"But of course, I will be much happier if they unite as I welcome Anastasia as like my own child," dagdag nito
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi ni Mrs Stephenson. Madalang lang ang aming interaksyon ngunit hindi ko inakala na isa sya sa mga taong naniniwala at nagmamalasakit sa akin
Hindi na kumibo si Lauren at uminom sa baso ng kanyang alak
"May we call on our COO, Sofia Whitman to announce our newly promoted leaders," ani ng emcee
Tumayo na si Mom at naglakad patungo sa entablado.
"Everyone, I am pleased to announce that Lauren Taylor is officially the vice president for Marketing. Lauren is not new, she has been acting in the role for some time and has consistently delivered excellent results. I am also pleased to announce that Jamie King will be the assistance vice president for Finance, taking on Lauren's previous role,"
Nakangiting tumayo si Lauren at si Jamie
"We appreciate your support and let's give them a warm round of applause," dagdag ni Mom
Isang malakas na palakpak ang pumuno sa ballroom. Sa gitna ng kasiyahan ay tumingin sa akin si Dad. May bahid ng pag aalala ang kanyang mukha
Tumango ako dito at ngumiti upang tiyakin na maayos ako.
Nang bahagyang humupa ang palakpakan ay muling nagsalita si Mom,
"I also have another important announcement to make,"
"My daughter, Anastasia Whitman will soon be married to her long time fiance, Chase Stephenson,"
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig si Mom. Hindi ko akalaing magkakaroon ng engagement announcement sa kumpanya. Ni hindi pa nga pirmado ang annulment papers namin ni Adam!
Bumaling ako kay Dad at mistula rin itong natigilan. Samantalang kapwa nakangiti naman ang mga magulang ni Chase
Lumabas mula sa entablado si Chase na may hawak ng isang bouquet ng bulaklak. Naglakad ito palapit sa akin,
"I- I thought you were on business trip?"
Ngumiti ito, "Yes, I personally flew back to Manila tonight to be here. I will just fly back to US later. I asked Tita to include our engagement announcement dito sa company dinner. Anyway, we will soon get married once the papers are fixed,"
"I hope you like my little surprise," dagdag nito
He leaned and kissed me on the lips
Kasing gulo ng patuloy na liwanag mula sa mga kamera ang aking isip
This means... my marriage with Adam has no other direction but to proceed with annulment. With my engagement with Chase being publicly official, this might even hasten the process.
Tumayo at lumapit sa akin ang mga magulang ni Chase,
"Congratulations! Did you work out this little surprise?" tanong ng mga ito sa anak
"Thank you. Yes, I can't think of any other timing but to officially announce my engagement with the woman I love in this party," nakangiting saad ni Chase. Dahil sa dami ng mga tao na nakasaksi ay pinilit kong iguhit ang ngiti sa aking mga labi.
I should be happy, right? Chase is the one I'm supposed to marry....
But why do I feel so bad now?
Nang humupa ang mga kaganapan ay naglakas loob akong magpaalam upang umalis. Nais pa akong ihatid ni Chase pauwi ngunit tumanggi ako. Buti na lamang at ilang oras na rin bago ang kanyang flight kaya kailangan na rin nitong umalis. Hindi na ito nangulit pa nang ang naging rason ko ay kailangan ko nang umuwi at magpahinga.
Agad akong naglakad upang makalabas ng ballroom hanggang sa tuluyang makarating sa aking kotse sa parking area. I leaned down on my stirring wheel and gave a heavy sigh
Sa dami ng mga nangyari ay pakiramdam ko'y kailangan ko ng sariwang hangin. I drived aimlessly, just to leave that place. Nang dumaan ang aking sasakyan sa may Bryant Park ay naghahalo ang inis at sakit ng kalooban na aking nararamdaman. Kung tutuusin ay dapat maging masaya ako dahil opisyal na ang aming engagement ni Chase pero bakit ako nasasaktan?
Parang wala ako sa sarili at inihinto ang sasakyan. Bumaba ako at muling naglakad patungo sa isa sa mga silya na aking inupuan. Naupo ako at pinagmasdan ang tahimik na parke. There's still a part of me that hoped to see him. Matapos ang halos isang oras na paghihintay ay naghalo ang aking pagtawa at paghikbi,
"Akala ko... hihintayin mo ako? Pero nasan ka?"
"Maraming rason para lumayo na ako sa 'yo.... pero bakit nandito pa rin ako?" patuloy ang daloy ng aking luha, "Bakit umaasa pa rin ako na makita ka?"
"Bakit ba ang tanga tanga kong maniwala pa rin sa 'yo?"
Tanging ang tahimik na buwan at kalangitan ang naging saksi sa aking paghikbi....
Rring! Rring!
Kinuha ko ang aking phone at nakita ang pangalan ni Madi,
"Bes! Nasan ka? Your engagement is all over the news!"
"Nandito ako sa Bryant Park,"
"Huh? Anong nangyari?"
"Pwede bang... samahan mo muna akong uminom?"
....
"Bes, ano bang nangyari? Tama na yan," pag aawat sa akin ni Madi
"One more shot pa, Bes. I'm celebrating, you know," I giggled
"Celebrating? Eh bakit ka umiiyak kung talagang masaya ka!"
Hindi na ako kumibo at bagkus muling uminom
"Bes, tama na. Uuwi na tayo," tuluyan na akong inawat ni Madi at inalalayan upang makatayo. Habang ako naman ay kumakanta na dahil sa sobrang kalasingan
Habang naglalakad kami ay may nabunggo si Madi,
"Madi?... Anastasia?"
"Oh, William! Glad you're here.... pwede mo ba akong tulungang buhatin si Bes?"
Tila natigilan pa si William at mistulang nataranta. Lumingon ito at nang sundan ko ang kanyang paningin ay natagpuan ko ang pamilyar na lalaking nakaupo kasama ang isang babae...
I chuckled at the sight. I don't know if it is a big joke or just a plain bullshit. Magkita sa Bryant Park? Wala pala talaga akong hinihintay dahil nandito sya at may kasamang iba
You're really such a fool, Anastasia. My subconscious smirked at me
Habang pinagmamasdan sila ay nahuli nito ang aking paningin. Napatingin din sa akin ang kasama nitong babae na mahinang nagwika,
"Do you know her?"
Muli itong bumaling sa babae, "Don't mind her," Hinawakan nito ang pisngi ng babae at hinalikan ito sa labi
Napayuko ako at tuluyan nang bumagsak ang mga butil ng aking luha. Naramdaman ko ang kamay na humawak sa aking braso,
"Uh, Anastasia, let me take you to your car," sambit ni William
Inalis ko ang kamay nito, "No, thank you. I can manage on my own,"
Kahit may epekto pa ng alak ay pinilit kong maglakad nang tuwid at agad na dumiretso sa aking kotse. Agad kong pinawi ang aking mga luha. Narinig ko pa ang boses ni Madi,
"Bes, wait!"
Ngunit hindi na ako lumingon. Bagkus ay agad na akong pumasok sa loob ng aking sasakyan at pinaandar ito paalis.
Nang gabing iyon, natagpuan ko na ang lahat ng sagot sa aking mga tanong. Habang nakaupo sa aking silid ay nagtipa ako ng numero sa aking phone at tinawagan ito,
"Hello?"
"Attorney, this is Anastasia Whitman. I'm sorry to call you up late. Please pick up the documents from my house tomorrow," sambit ko habang pinagmamasdan ang aking pirma sa mga papeles ng annulment.