Kinabukasan ay maaga akong gumayak upang tignan ang mga artworks ng mga lokal na pintor. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagmamaneho ay agad akong nakarating sa Museum of Modern Art. Ipinark ko ang aking kotse at saka dumiretso sa kung saan ko katatagpuin sina Madi at ang kaibigan nitong general manager ng museum
Habang naglalakad palapit sa hall ay unti unti ko nang naririnig ang boses ni Madi. Nagtrabaho ako sa linya ng marketing ngunit ibang klase talaga ang PR ng aking matalik na kaibigan.
Sa wakas ay nakarating na ako sa tapat ng pinto ng hall. Itinulak ko ito at pagkabukas ay sinalubong ako ng isang bulwagang puno ng mga paintings. Nang igala ko ang aking mga mata ay natagpuan ko si Madi at ang dalawang matatangkad na lalaki.
Nakaharap ito sa aking direksyon habang ang dalawang lalaki ay nakatalikod mula sa akin. Ang isa ay nakasuot ng pormal na grey suit at marahil ay ang general manager. Habang ang isa naman ay nakasuot ng kaswal na flannel shirt in red and black checks. Nakatupi ang mga manggas nito na umaabot sa kanyang mga siko. Ang kanyang pang ibaba ay maong na pantalon at loafers. Kahit simple ay mistula itong modelo.
Ang akala ko ay kami lamang tatlo ang magkikita ngayon ngunit hindi ko kilala kung sino ito. Ngunit kahit nakatalikod ay tila pamilyar ang kanyang tikas.
"Oh, here she is!" habang kasalukuyan silang nag uusap ay napansin ako ni Madi at kumaway sa akin
Iwinaksi ko ang mga iniisip at ngumiti kay Madi. Habang ako'y naglalakad palapit sa kanila ay lumingon sa akin ang lalaking naka suit at nakangiting nagsalita,
"You must be Anastasia," inilahad nito ang kanyang kamay, "Nice to meet you. Tyler Reef,"
"My pleasure to meet you," at saka ko inabot ang kamay nito
Bumaling naman ako upang batiin ang kasama nito ngunit tila nakakita ako ng multo nang magtama ang aming mga mata. His familiar dark and deep eyes were looking at me intently
For a second, I got lost at words. Why the hell Adam is here?
"Oh, Ms Whitman, this is Mr Adam Alfonzo. He's an art collector and my good friend. Nagkataon na nandito rin sya looking at our latest exhibit. Nabanggit ko na pupunta ka para tignan ang mga local artworks kaya niyaya ko na rin sya dito,"
Halos mabingi ako dahil sa sobrang lakas ng t***k ng aking puso. Dahil hindi ko kaya ang titig nito ay agad kong iniwas ang aking paningin at bumaling kay Madi. I glared at her
Ngumiti lamang ito nang pabebe at gumawa ng peace sign. The nerve! Ang sarap kutusan ni Madi!
I had no choice but to look again at Adam
"Nice to meet you, Anastasia," sambit ng kanyang pamilyar na malalim na boses
I don't know what's with his low voice that he sounded so sexily, he'd make my knees go weak,
"Mr Alfonzo," pinatili kong pormal at seryoso ang aking ekspresyon at pinilit iwaksi ang aking nararamdaman at iniisip
"Let's have a look at the paintings!" pambabasag ni Madi sa tensyon sa pagitan namin ni Adam
Iginiya kami ni Tyler sa bawat artwork. Habang pinagmamasdan namin ang mga ito ay ipinapaliwanag rin nya kung ano ang medium na ginamit at istorya ng bawat obra. Nakakamanghang tignan ang mga gawa ng mga lokal na pintor. Lalong lumalakas ang aking loob na ituloy ang aking art gallery.
Sinikap kong ituon ang pansin sa mga paintings ngunit alam kong nakatuon pa rin sa akin ang kanyang paningin. Pinilit kong balewalain ito hanggang sa mapadpad ako sa isang painting na nakalagay sa isang sulok. Iginuhit ng pintor ang isang maganda at puting bahay na napapaligiran ng mga bulaklak at halaman. Nakatayo ito sa tuktok ng isang bundok at sa paligid nito ay ang asul at malinaw na dagat.
Tila may mainit na yakap ang humaplos sa aking puso habang pinagmamasdan ang pamilyar na larawan. Ito ang bahay na ipinatayo ni Adam para sa akin
"Oh, Ms Whitman," hindi ko namalayang naging abala na pala ako sa pagmamasid sa painting na ito nang tawagin ako ni Tyler
"The title of that painting is 'Home'. Sir Kiel Vanti himself painted it. Unfortunately, we cannot give it to your gallery kasi may may-ari na nyan. Pero tamang tama, nandito mismo ang may-ari ng painting na iyan," dagdag nito
"What do you mean?" bumaling ako dito
"Mr Alfonzo, why don't you tell more about this painting?" nakangiting saad ni Tyler
"It's our home. When you get lost, you know you will always have a home that you can go back to," sambit ni Adam habang hindi pinapatid ang tingin sa aking mga mata.
For seconds that felt like forever, I got lost in his eyes. Napalitan ang madilim nyang mga mata nang katulad ng dati. Muli kong napagmasdan ang maamo nyang nyang mga mata.
Paulit ulit sa aking isipan ang masasaya naming mga alaala noong magkasama pa kami sa probinsya. Ito mismo ang mga salitang binitawan nya noong dinala nya ako sa aming bahay. Pero iba na ngayon. Lahat ng iyon ay palabas lang.
Magkahalong pangungulila at galit ang aking nararamdaman.
"Wow, Adam! This is so beautiful!" sambit ni Madi
"Ms Whitman?" ani Tyler
"Uh," muli kong iwinaksi ang mga gumugulo sa aking isipan, "Thank you Tyler for showing us the paintings. I'm good to showcase all of them sa gallery," dagdag ko
"Alright Ms Whitman. I will have these delivered to you. I already coordinated na rin sa mga painters and payag na rin sila sa income terms. By the way, I sent their names and contact details to your email address so you can freely get in touch with them for other details,"
"Thank you so much," tugon ko.
Nagpaalam sa amin si Tyler bago umalis. Sandali itong bumaling kay Madi,
"I'll see you tonight,"
Ngumiti naman ang huli, "Okay, I'll be there,"
Natigilan naman si Madi nang yakapin ito ni Tyler, "Take care,"
Tumango naman si Madi
Pagkatapos umalis ni Tyler ay tinanong naman ako ni Madi
"Bes, saan ka pupunta nyan?"
"Didiretso na ako sa gallery," tinignan ko ang aking relo, "darating na rin mamaya ang mga gamit pati na yung team na tutulong sa installations,"
"Ah ganun ba. Sorry Bes, nakalimutan ko na ngayon pala darating yung mga taga builders' office. Pumayag kasi ako sa isang engagement sa company namin. Pasensya na, hindi kita masasamahan,"
"It's fine, Bes. Kaya ko naman, enjoy dun sa company event nyo,"
"Okay then. O sya Bes, Papa Adam, I'll go ahead. Take care!"
Tumango naman ako. Nakaalis na si Madi habang kami na lamang ni Adam ang naiwan sa hall. Nagpasya na akong maglakad paalis,
"I'll accompany you sa gallery," natigilan ako nang sandali nang magsalita ito
Lumingon ako dito, "I'm fine, you don't need to accompany me," at saka diretsong umalis
Nang makarating na ako sa aking sasakyan sa parking area ay muli itong nagsalita, "Ipinagbawal na rin ba ng fiance mo na kausapin ka ng asawa mo?"
I sarcastically chuckled and turned to him
"Asawa ko? Can you stop talking about that bullshit?!"
"I'm done with your game! Pareho naman nating alam na lahat ng iyon ay palabas lang. I was just a game for you,"
"So don't act as if you really cared! You already got the ransom, what else do you want?!"
"And by the way, Chase didn't have to ask me to stay away from you. He's my fiance from the start. He's the one I was going to marry before you ruined everything!"
"Putang ina, Anastasia!" hinampas nito ang sementong poste
"Sa tingin mo ba lahat ng nangyari sa atin palabas lang? Na laro lang ang lahat?" tugon nito. May bahid ng galit at sakit ng kalooban sa boses nito
"Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin, huh?!"
"Ni hindi mo man lang ako pinakinggan. Basta ka na lang umalis! Ganoon ba talaga kadali sa 'yong umalis? Kapag hindi mo na gusto, palagi kang umaalis---"
Binigyan ko sya ng isang malakas na sampal. He chuckled slightly but his eyes were dark and blood shot red,
"Bakit hindi mo tanungin ang tatay mo? Para maintindihan mo kung ano talaga ang nangyari,"
"Tanungin si Dad? Why do I have to ask him? I saw what I saw,"
"I want to remove anything that connects me with you. So please, sign the annulment papers and stay out of my life!"
Tumalikod na ako at dumiretso papasok sa aking kotse. Pagkatapos nito ay pinaandar ko na ang sasakyan paalis.
Sa kabila ng sakit ng kalooban na nararamdaman ay pinilit kong hindi umiyak. Ayoko nang umiyak. Sinikap kong iwaksi ang mga iniisip at nararamdaman at bagkus ay ipinokus ang sarili sa aking mga gawain. Pagkarating ko ay dumating na rin ang mga gamit pati na ang team mula sa builders' office at sinimulan na ang installation at rennovation ng gallery. Tumulong din ako sa pagpipinta upang maging abala ang sarili
"Ma'am?"
"Huh?"
"Ma'am, magpapaalam na po kami. Babalik na lang kami bukas,"
Alas singko na pala ng hapon. Ni hindi ko namalayan na lumipas na pala ang maghapon dahil sa sobrang abala. Ngayon ko lang din napagtantong wala pa pala akong kinakaing tanghalian
"Uh, sige. Salamat,"
Nagpahinga muna ako sandali at uminom ng tubig mula sa dala kong tumbler. Pagkatapos punasan ang sarili ng tuyong tuwalya ay tinignan ko muna ang aking phone. Naroon ang text ni Chase,
"Babe, let's have dinner at my place tonight. Let me make it up to you. I love you,"
Tumugon ako, "Okay. I have my car. I'll drive to your place,"
Pagkatapos ng ilang sandali ay sumagot ito, "Okay Babe. See you later. I love you,"
"How's your day?" tanong nito habang kami'y kumakain ng inihanda nyang hapunan.
"It went well. The general manager of the museum helped to coordinate with the local artists and set up their art works for us to see. The paintings were beautiful and we agreed to showcase them on the gallery. And then..."
Muling bumalik sa aking alaala ang nangyari sa amin ni Adam kanina
"And then?"
"Babe?"
"Huh?" Muli akong naging abala sa aking mga iniisip. Pinilit kong iwinaksi ang mga ito
"You were saying something about the gallery,"
"Sorry. I went to the gallery and started the installation and renovations with the builders' office team,"
Tumango ito, "Looks like you are on track,"
"Thank you,"
Nang matapos kumain ay nagpaalam na rin ako pauwi. Pagkahatid nya sa akin sa tapat ng aking sasakyan sa parking area ng kanyang condo unit,
"Thanks for the dinner, Chase. Take care on your flight tomorrow,"
"Alright Babe," lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi upang halikan sa labi. Niyakap ko sya pabalik at tumugon din ng halik. Hinayaan kong angkinin nya ang aking mga labi. Habang lumalim ang aming halik ay sinikap kong suklian sya ng pagmamahal.
Sa bawat galaw ng aming labi at dila ay naaalala ko ang mga halik na puno ng pagmamahal... ang kanyang haplos na nagbibigay kuryente sa aking balat.... ang kanyang init habang nakakulong ako sa kanyang mga bisig....
Adam...
Agad akong natauhan at bumitaw mula kay Chase.
"Hey, why did you stop?" tanong ni Chase habang itinabi ang ilang hibla ng aking buhok at isiniksik sa likod ng aking tainga
"I have to go,"
"I didn't know you're such a good kisser. I've never had such passionate kiss,"
Umiwas ako ng tingin. Naghahalo ang konsensya at inis na aking nararamdaman. Higit sa lahat, naiinis ako sa sarili dahil sa kabila ng lahat, si Adam pa rin ang aking inaasam. No matter how I try to forget him, my heart knows that only him could unbreak my heart.
"Alright then. Take care Babe,"
Tumango ako. Pumasok na ako sa sasakyan at saka pinaandar ito paalis
Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa gallery upang magsimula sa pag aayos. Pagkatapos maghanda ng aming almusal ay uminom lamang ako ng mainit na tsokolate at kumain ng egg toast bago umalis ng bahay.
Pagkarating sa gallery ay natagpuan ko na ang delivery truck na may dala ng mga iba pang gamit na aking inorder. Dahil malalaki at mabibigat ang mga ito ay nagpatulong ako sa driver upang buhatin ang mga ito papasok sa gusali. Tumulong na rin ako sa pagbubuhat ng ilan.
Pagkalagay ng gamit sa loob ay muli akong lumabas upang buhatin ang iba pang natirang gamit. Ngunit laking gulat ko nang makita ang pamilyar na lalaking buhat buhat ang ilan sa mga ito. He walked past at me and entered the gallery to place the item.
Sinundan ko ito sa loob, "W-what are you doing here?"
Pagkalapag ng gamit ay lumingon si Adam sa akin,
"Sa tingin mo ba pababayaan lang kitang buhatin ang mga gamit na yan nang mag isa?" Muli itong dumiretso sa labas upang kumuha pa ng iba. Habang nanatiling nakaawang ang aking mga labi dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Bakit parang walang lang sa kanya lahat?
Nang matapos ang mga pagdidiskarga ng mga gamit ay nagpaalam na ang delivery driver.
"Ma'am, Sir, mauna na po ako. Good luck po dito sa project ninyong mag asawa,"
Agad nag init ang magkabila kong pisngi. I have never felt this awkward.
"Salamat," tugon ni Adam
Pagkaalis nito ay naiwan kaming dalawa sa may labas ng gallery. Malamig at tahimik sa labas ngunit patuloy sa pag iinit ang aking mga pisngi at pagwawala ng t***k ng aking puso
Pagkaraan ng ilang sandali ay bumaling ako kay Adam,
"Salamat sa tulong. Kaya ko na 'to, makakaalis ka na," saka ako dumiretso papunta sa loob. Ngunit laking gulat ko nang hatakin nito ang aking braso at idiin ako sa pader.
Ikinulong nya ako sa pagitan nya at ng pader habang nakakapit sa pader ang isa nyang braso habang ang isa'y nakahawak pa rin sa aking kamay. Sa bilis ng mga pangyayari ay nanatiling nakaawang ang aking mga labi.
His gaze remained cold and dark
Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin at pinagmasdan ang aking mga mata at labi
"Adam, let go of me!" mariin kong sambit
Mas lalo nitong inilapit ang kanyang mukha na halos magkadikit na ang dunggot ng aming mga ilong. I could smell the mint from his breath.
Pinanatili kong seryoso at matapang ang aking ekspresyon kahit halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib
"The next time you push me away," muli nitong tinignan ang aking mga labi at hinawakan ang mga ito ng kanyang hinlalaki, "I'll own your lips and make them bleed,"
Agad kong iniwas ang aking mukha at napalunok. Pagkaraan ng ilang sandali ay pinakawalan ako nito at dumiretso na sa mga gamit. Agad akong napapikit at huminga nang malalim.
Paulit ulit kong hinihiling na mag alas nuwebe na ngunit alas sais pa lang ng umaga! Wala na akong nagawa kundi hayaang samahan nya ako dito.
Pinagtulungan naming buksan ang mga kahon ng mga gamit. Pagkatapos nito ay magkatulong naming ipinuwesto ang mga ito. Sya ang taga lagay habang ako ang taga turo kung saan. Sya na rin ang nagtuloy ng mga ilang trabaho na hindi natapos kahapon.
"Hi Bes! Ay!" napukaw ang aming pansin sa malakas na boses ni Madi
Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa aming dalawa,
"Tell me, anong kailangan kong malaman?"
"Madi, wala. Tinulungan nya lang ako dito," sambit ko at muling bumalik sa aking ginagawa
"Napansin kong nagbubuhat sya nang mabigat kanina kaya tinulungan ko na muna sya,"
"O sya, sa presinto na kayo magpaliwanag. Kumain muna tayo. Luto ni Berns,"
"Salamat, Madi," sambit ko. Aaminin ko, dahil sa dami ng aming ginawa ay nakaramdam na rin ako ng gutom
Sandali akong tumigil sa ginagawa at tinulungan si Madi sa paghahain. Inilapag ko sa mesa ang mga disposable plate at ibang kubyertos. Nilagyan ko ng kanin at plato ni Adam
"Bes," napukaw ang aking pansin
"Ano yun?"
Ngumiti ito at tumingin sa aking ginagawa. Matapos ang ilang sandali ay napagtanto ko ang aking nagawa. Agad kong naalala na madalas ko itong ginagawa sa tuwing magkasama kaming kumain ni Adam sa probinsya.
Binitawan ko ang mga kubyertos at inasikaso ang akin. Sinikap kong hindi pansinin si Adam habang kumakain kaming tatlo.
Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating na ang mga taga builders' office. Sandaling inendorso ni Adam ang kanyang mga natapos at tinuruan ang mga ito bago magpaalam sa akin,
"Aalis na muna ako. Sabihan mo ako kapag may kailangan ka. Iniwan ko ang number ko kay Madi,"
Bumaling ako kay Madi. Tulad kahapon ay ngumiti lamang ito at gumawa ng peace sign
"Okay lang ako. Salamat sa tulong,"
Tumango ito at tumalikod na upang umalis. Hindi ko mawari kung bakit tila may kurot sa akin ng lungkot habang papalayo na ito. Agad na akong tumalikod at bumalik sa aking ginagawa.
But my heart is just so chaotic
Tinanggal ko ang aking gloves at sumunod palabas. Nakatayo ako sa harap ng gallery at mula roon ay pinagmasdan ko sya habang naglalakad palayo.
Napatungo ako at bahagyang tumawa. Kahapon lamang ay pinapalayo ko sya. Ngunit ngayon ay heto naman ako at nasasaktan habang nakikita syang palayo. Para akong tanga.
Pinunasan ko ang namamasa kong mga mata at bumalik na sa gallery.
Natapos ang araw nang maayos. Dumiretso na akong umuwi sa bahay pagkatapos ko sa gallery. Matapos kong maligo ay natagpuan ko ang isang parcel na nakapatong sa aking bedside table.
Kinuha ko ito at binuksan. Sa aking pagkagulat ay natagpuan ko ang painting na pinangalanang 'Home' na aking nakita kahapon sa museum. May papel itong kasama,
Anastasia,
Patawarin mo ako dahil alam kong nasaktan ka.
Pero nakikiusap ako, mag usap tayo.
Mahal na mahal kita at alam kong mahal mo pa rin ako.
Magkita tayo sa Bryant Park, 6PM.
Hihintayin kita
Adam