Kumikinang ang mga mata ni Madi habang nakatingin sa akin, "Tara na, Bes!"
"Madi, wait! Kailangan muna nating pag isipan kung paano magset up ng art gallery," napatingin ako sa taas dahil sa pag iisip, "I need to talk to an art community to survey local artists and their works, saan ang location ng gallery, yung kapital na kakailanganin... and..." may bahid ng pag aalinlangan ang lumukob sa aking puso, "a feasibility analysis kung kakayanin ko ba talaga,"
Napayuko ako mula sa hiya na naramdaman, "Ayoko nang magkamali Madi. I don't want to fail again in front of others,"
"Bes," hinawakan nito ang aking mga kamay kaya inangat ko ang aking paningin
"Now is your chance to prove them all wrong. You have to believe in yourself because if you don't, then no one else will. Kung palagi kang mag aalinlangan, walang mangyayari sa 'yo!"
Lumakas ang loob ko nang marinig ang mga salita ni Madi. Matagal na kaming magkaibigan at isa sya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Noong nangyari ang iskandalo, sya lang ang tanging naniwala sa akin.
Tumango ako, "Thank you Madi. Pinapalakas mo ang loob ko,"
Ngumiti ito at bumitaw ng pagkakahawak sa aking mga kamay. Kinuha nito ang kanyang phone at nagtipa saka inilagay ito sa tabi ng kanyang tainga,
"Hello! Si Madi ito. We met doon sa bar the other night,"
"I remember you are the general manager of the Museum of Modern Art?"
"I was wondering if you can help us to connect with the local art council? Mag sesetup kasi ang friend ko ng art gallery so I am hoping if you can arrange something para makita namin yung mga artworks that we can showcase,"
"Then my best friend can discuss about the other stuff,"
Pagkatapos ng ilang sandali ay ngumiti si Madi, "Great! Thank you so much. We'll see you tomorrow,"
Inalis nito ang kanyang phone mula sa pagkakadikit sa kanyang tainga at pinatay ang tawag. Pagkatapos ay bumaling ito sa akin,
"Oh Bes, one down!" nakangiti nitong saad
"S-sinong kausap mo, Madi?" nagtataka kong tanong. Sa tagal naming magkaibigan, hanggang ngayon ay napapahanga ako sa kanyang bilis. She knows what she wants and gets it done when she wants it.
"He's a guy that I was flirting with doon sa bar. He told me that he's a general manager ng art museum, so bigla ko syang naalala,"
"Using your network when you need them," sabay kindat nito sa akin
"You are really a great project manager," sambit ko
"I know!" nakangiti nitong tugon
Kinuha nito ang wallet mula sa kanyang bag at kumuha ng pera na inilagay nya sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay ibinalik nito ang kanyang wallet sa loob ng kanyang bag at isinakbit ang huli. Tumayo na ito at hinawakan ang aking kamay , "Oh, ano pang hinihintay mo? Tara na, maghahanap na tayo ng pwesto!" sabay hatak sa aking kamay
"O-okay!" agad kong isinakbit ang aking shoulder bag at sumunod sa kanya.
Sinuyod namin ni Madi ang syudad upang maghanap ng magiging lokasyon ng gallery. Sa tulong ng kanyang kaibigang real estate agent ay ibinigay nito agad ang kanyang mga rekomendasyon habang kasalukuyang nagmamaneho si Madi. Agad ring tinawagan ng real estate agent ang mga may ari o caretaker ng mga puwesto upang agad na naming makausap pagdating sa mga lokasyon. Pagkatapos nito ay sumunod rin ang agent at sinamahan kami.
Matapos ang pagsurvey sa mga naunang pwesto ay napadpad kami sa sumunod na lokasyon. Kainaman ang sukat nito at simple lamang ang istruktura. Bagamat malayo na ito sa central business district ay malapit naman ito sa mga establisymento tulad ng unibersidad, coffee shops, mga kainan at ibang tindahan. Kahit hindi ito kasing glamoroso ng mga nasa financial district ay nasa loob pa rin ito ng syudad at nasa disente at ligtas komunidad. At dahil rin dito ay mas mura ang halaga ng upa.
"I'll take this," sambit ko sa agent
Tumango naman ang huli, "Okay, Ms Whitman. I'm glad you liked this place. I'll take care of the next steps,"
"Pwede na ba kaming magsimulang mag ayos bukas?"
"Yes Ma'am,"
"Thank you," tugon ko. Nagpaalam na rin ang agent sa amin at saka umalis
"Bes, are you sure dito mo gusto?"
"Mmm...hmmm," tugon ko, "I wanted my art gallery to be accessible to people,"
"Hindi yung exclusive lang para sa iilan," dagdag ko
"Isa pa, malapit lang ito sa universities and shops, we can partner with them to increase our market share while at the same time making art accessible to everyone,"
Dahil sa takot ko noon sa kung anong sasabihin ng tao, hindi ako sumipot sa art show kasama si Paolo. Kahit wala syang pera, gumawa sya ng paraan para makabili ng ticket pero sinayang ko lang. Ayoko nang maging sunud sunuran. I want to keep my stance.
"Ay, yan ang Bes ko, Marketing VP talaga!"
Hindi ko napigilang matawa sa mga kalokohan ni Madi. Pagkatapos namin sa pwesto ay dumiretso naman kami sa builder's office at namili ng mga gagamitin sa isang home depot para sa design ng gallery.
Hapon na ngunit hindi pa kami nakakain ng tanghalian. Pagkatapos ng nakakapagod na araw ay dumiretso na kami sa restaurant ng kapatid ni Madi. Pareho kaming nanghihina nang makaupo sa isa sa mga tables,
"Ate, anong nangyari sa inyo?!" lumapit sa amin si Berna, ang may-ari at head chef ng restaurant
"Hay, Berns. Mahabang kwento. Ipagluto mo na kami, please. Gutum na gutom kami,"
Tumango ito, "Sige. I'll bring your food in a while," Hindi na kami nag abalang mamili pa sa menu. Dahil malapit kami sa isa't isa ay alam na ni Berna ang pagkaing gusto namin
"Berns, dalawang rice sa akin," sambit ko
"Huh?" taka nitong tanong. Alam kasi ni Berna na hindi ako kumakain ng kanin. Dati.
"Natuto nang kumain ng kanin simula nang mag asawa," ani Madi
"Oh, okay!" tugon ni Berna
"Bes, h'wag mo na ngang pinapaalala 'yun," saway ko
Hindi na nakipagtalo pa si Madi dahil sa sobra naming gutom. Nang dumating ang mga pagkain ay agad naming nilantakan ang mga ito. Dahil sa labis na gutom ay tanging mga malinis na plato ang natira.
"Ay grabe,what a day. Inaantok na ako," sambit ni Madi
"Thanks a lot Madi, ha. I don't know kung magagawa kong mag isa ang na-accomplish natin for today,"
"You take some rest. I'll just hail a taxi pauwi," dagdag ko
"Are you sure? I can drive you pauwi sa inyo. It's still safer,"
Agad tumunog ang aking phone. Nang tinignan ko ito ay lumabas ang pangalan ni Chase. Marami na rin pala itong missed calls at texts
"Hello,"
"Babe, where are you?"
"Kasama ko si Madi. Sorry may mga missed calls ka pala. We were busy the whole day,"
"It's fine. Nasan kayo? I'll fetch you,"
"Nandito kami sa The Little Kitchen. It's only 4pm, baka may meetings ka pa. I can just take a taxi,"
"I'm really going out early to see you. Let's have dinner at my place. I'm on my way now,"
Bahagya akong nag alinlangan
"Hey, Sir Matt!" ani Berna. Iniluwal ng pinto si Mr Campbell. Kasama rin nya si Caleb Rockefeller
"Berna, nice to see you," tugon nito
"Hi Berna," ani Caleb
"Si Bes?" tanong ni Berna
"Nasa bahay, nagpapahinga kasama ang mga bata. Kami munang mga lalaki ang lumabas ngayon," tugon ni Mr Campbell
"Okay. Kayo lang dalawa?"
"No,"
Sumunod na iniluwal ng pinto si William. His face was looking towards someone who's behind him as if they were talking. Nang humarap ito ay napukaw naman ang aking pansin kay Madi,
"William!" nakangiti nitong sambit habang kinaway ang kanyang kamay
Gumuhit ang ngiti sa mukha ni William at lumabas ang mga magaganda nitong biloy,
"Whoah, Madi!" bati nito sa kaibigan. Lumapit ito sa amin.
"What brought you here?" tanong nito kay Madi
"Mahabang kwento," pagod na saad ng huli
Dahil dito ay napukaw rin ang pansin ng dalawang lalaki kaya nagtungo ang kanilang paningin sa aming direksyon. Nang igala ko ang aking mga mata patungo sa pinto ay agad nagkabuhul buhol ang t***k ng aking puso. Naroon ang lalaking kausap ni William at matamang nakatingin sa akin
"Babe?" saad ng boses mula sa kabilang linya
Naglakad rin palapit sa amin sina Matt at Caleb,
"Nice to see you, Anastasia," sambit ni Caleb
"And of course, nice to see you here, Madi," dagdag ni Caleb
Ngumiti naman si Madi
"Hey, Adam! What are you doing there?" ani William
Mula sa pagkakasandal sa may hamba ng pinto ay naglakad na rin ito palapit sa amin. His dark eyes kept his gaze on me
Tila hinangin ang aking utak at hindi makapag isip nang maayos. Masyadong malakas ang t***k ng aking puso. Marahil ay dahil sa galit.... sa kaba.... sa takot.... o sa kirot na nararamdaman ko pa rin dahil sa kanyang panloloko.
Agad kong iniwas ang tingin sa kanya.
"Babe? Are you alright?" tila natauhan naman ako sa boses ni Chase sa linya
"Uh, yes," tugon ko. Inalis ko ang phone mula sa aking tainga at pinatay ang tawag. Kahit iniwas ko ang aking paningin ay alam kong nakamasid pa rin sa akin ang kanyang mga mata
"So, Madi, what were you guys doing kanina?" pagbabasag ni William sa nakakabinging katahimikan
"Oh, yeah! Ito kasing si Bes is setting up her own art gallery. So we were busy scouting for location, items for the design, etc. And then tomorrow, we'll take a look at the artworks ng mga local artists,"
"Punta kayo sa opening night ng gallery ah," dagdag nito
"Madi," saway ko dito. Hangga't maaari ay ayoko nang malaman pa ni Adam ang mga pinagkakaabalahan ko
"Sure! Just let us know the date and we will come," ani William
"Anastasia, congratulations on your new venture," dagdag nito
"Thank you," sambit ko. Muling napukaw ang aking pansin ng aking tumutunog na celphone. Mula sa screen nito ay kita ang pangalan ni Chase. Nang iangat ko ang aking paningin ay natagpuan ko si Adam na nakatingin sa aking phone
"Uh, excuse me," sambit ko at kinuha ang tawag, "Chase,"
"Babe, I'm already outside. I'll see you there,"
"Uh, no! I mean....palabas na ako. I'll just meet you there," sabay patay ko sa tawag
"Please excuse me. I have to go now," agad na akong tumayo dala ang aking bag
"Huy, paano ka uuwi?" tanong ni Madi
"Nasa labas na si Chase," mahina kong tugon.
"I'm surprised how fast you move forward," napaangat ang aking tingin sa pamilyar na boses. His dark eyes still keep on gazing at me
"Excuse me?" I glared at him. Moving forward 'fast'? What does he imply? Na pinalitan ko agad sya?! Between the two of us, sya ang manloloko!
"Uh, why don't we take a seat," tila hinupa ni Matt ang tensyon. Tinapik nito si Adam at iginiya sa isa sa mga mesa.
Naglakad ako sa gitna nila at lumabas na ng restaurant. Pagkalabas ay natagpuan ko na si Chase na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan. Pagkakita sa akin ay naglakad ito palapit.
"Hey, beautiful," sambit nito
Pinilit kong ngumiti, "Chase---,"
Agad nya akong inilapit sa kanya at hinalikan sa aking labi. Sa gulat ay natulala lamang ako at hindi tumugon sa kanyang halik. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumitaw ito
"I missed you," hinawakan nya ang aking kamay at inihatid palapit sa kanyang sasakyan, "Let's go,"
Pagkarating namin sa kanyang condo unit ay tinanggal nito ang kanyang coat at isinabit sa wardrobe. Pagkatapos ay dumiretso na ito sa kusina,
"I'm going to cook our dinner. Tonight calls for celebration," nakangiti nitong sambit habang inaayos nya ang mga lulutuin
"My lawyer already sent the annulment papers to that jerk this morning. He should have received it by now,"
"I asked my lawyer to expedite this stuff. So if an ordinary annulment takes years, this will only take a month,"
Isa sa mga mayayamang pamilya dito sa syudad ang pamilya nina Chase. Kaya hindi na nakakapagtaka kung malakas ang kanyang impluwensya at maraming koneksyon sa mga kinauukulan.
"Then, in the eyes of law, you will be oficially mine," nakangiti itong lumingon sa akin
"What are you cooking?" pag iiba ko ng paksa
"I'm making some shrimp alfredo, three cheese bread and a little bit of dessert," sabay kindat nito sa akin
"This is the first time you are cooking for me. I appreciate it,"
He stopped suddenly and looked at me, "Noong nawala ka, I realized na hindi ko kaya. Kaya noong nalaman kong you were kidnapped, I promised that I will be a better man and I will not let you go,"
"How did you know that I was kidnapped?"
Nagpatuloy ito sa ginagawa, "I hired an investigator,"
"What did you find out?"
"Well, I found out that you were in some shitty farm with your kidnapper,"
"And then?"
"Then what? Then I talked to your dad and found out that he has already sent the payment for the ransom,"
Marami pa ring tanong sa aking isip kung bakit ni anino nya ay wala akong nakita noong nasa probinsya ako. Sa dami ng koneksyon nya ay hindi imposibleng mahanap nya ako. Hinanap nya ba talaga ako?
"I know that maybe you are doubting if I really looked for you. But I was very cautious because I don't want you to get harmed. Since pera lang naman ang habol ng gagong iyon, kaya kahit mahirap ay tiniis kong maghintay hanggang sa ligtas kang makabalik,"
"Besides, when everyone asked me to forget you, I convinced them that I will marry you no matter what because I love you so much,"
Hindi na ako kumibo. Muli akong kinain ng konsensya
Pagkatapos nyang magluto ay inihain na nya ang mga pagkain sa mesa. Nagbukas ito ng isang bote ng wine at isinalin sa aming mga kopita. Saka nya itinaas ang kanyang kopita,
"For your upcoming annulment and our wedding. Cheers!"
Ngumiti ako at idinikit ang aking kopita sa kanya
Habang kumakain ay nagtanong ito,
"What kept you and Madi busy kanina?"
"I'm setting up my own art gallery. Sinamahan ako kanina ni Madi na maghanap ng pwesto pati ng mga gagamitin sa design,"
"Interesting. Saan ang napili mong pwesto,"
"It's outside the central business district but is close to establishments,"
"You should have called me kanina. I could've talked to my connections and provided you a prime spot near the elites,"
"I don't want my gallery to exclusive to only the elites,"
"Why? Only them can afford authentic and quality paintings from the top artists,"
"Chase, please stop discriminating people. I want my art gallery to be accessible to everyone and provide opportunities for local artists to thrive,"
Nagbuntong hininga ito, "Fine, I'm sorry,"
"So when's your opening night?"
"Maybe in two weeks,"
"I'm sorry I won't make it to your opening. I'll be out for a month for a business meeting. I'm traveling the other day,"
"No worries, I understand,"
"But let me know if you need anything,"
"Thanks, Chase. And please take care on your travel,"
"That's why I want to start the ball rolling on your annulment,"
"By the way, I need you to sign the documents para maproseso na while I'm out. Pinadala ko na kanina sa bahay nyo,"
"Chase, if you don't mind, can I sign those papers after the opening night of my gallery? I'm busy with all of the preparations.... and I want to focus on the gallery,"
I anxiously waited for his response
"Fine, but make sure you sign it before I return," sambit nito matapos ang ilang sandali
"Thank you," nakangiti kong tugon
"Well, it's not free," tumayo ito at lumapit sa aking likod. Pinatayo nya ako at ipinulupot ang kanyang mga bisig sa aking maliit na baywang. Naglagay ito ng mga mumunting halik sa sulok ng aking leeg,
"Chase, stop," napabaling ang aking mukha sa gilid
Ngunit tila wala itong narinig at patuloy akong hinalikan.
"Chase, please," pinilit kong alisin ang kanyang mga braso mula sa pagyakap sa akin
"Why? What's wrong?" iritable nitong tugon
"Pagod ako and besides... pinawisan ako kanina," alibi ko
"Then we'll take shower together," inikot nya ako paharap sa kanya at hinalikan sa labi. Kinagat nya ang aking labi kaya napaawang ang mga ito. Saka nya pinasok ang kanyang dila at pinalalim ang kanyang halik
Pilit akong pumalag ngunit mahigpit nya akong yakap. Agad nya akong binuhat patungo sa kanyang kwarto at inihiga sa kama
"Chase... don't!" Bumaba ang kanyang mga halik sa aking leeg habang hawak ang magkabila kong kamay. Saka nya isinilid ang kanyang kamay sa ilalim ng aking blouse at sinimulang lamasin ang aking dibdib
"Please don't!" buong lakas ko itong itinulak
Pumalatak ito at napahilamos ng kanyang mukha. Pagkatapos ay tumayo ito
"I'm sorry," agad akong bumangon at umupo sa isang tabi ng kama
"Did he touch you?" seryoso nitong tanong
"No," pagsisinungaling ko
"Chase... I'm sorry. Hindi ka naman ganito dati,"
"Because you are mine! And no other man can own you! Tandaan mo yan!" agad pinisil ng kanyang isang kamay ang magkabila kong pisngi,
"N-nasasaktan ako!" maluha luha kong sabi
Tila natauhan naman ito. Lumuwag ang mga daliri ng kanyang kamay na nakahawak sa akin,
"I'm sorry Babe," niyakap ako nito nang mahigpit. Sandali itong bumitaw,
"I'm sorry. Let me make it up to you,"
Tumango ako, "Basta h'wag mo nang ulitin. I just want to go home,"
Pumayag ito at pagkatapos ng ilang sandali ay inihatid na ako sa aming bahay. Pagkatapos maligo ay dumiretso ako sa may bedside table. Kinuha ko at sinimulang basahin ang annulment papers na kanyang pinadala. Nang matapos basahin ang mga ito ay hindi ko maiwasang muling maramdaman ang kirot. Hindi ko inakala na minsan ay nangarap ako tungkol sa aming dalawa ni Adam at sa aming bubuuing pamilya. Ngunit palabas lang pala lahat. At ang mga papeles na ito ang katapusan ng aking kahibangan.
Itinabi ko na muna ang mga papeles sa loob ng aking drawer. Pagkatapos ay lumabas muna ako sa aking balkonahe upang magpakalma.
Pinagmasdan ko ang payapang langit at ang maliwanag na buwan. Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina. Kung ganoo'y nandito rin sa syudad si Adam? Anong ginagawa nya dito? Ngunit agad kong iwinaksi ang mga iniisip. Kung nandito man sya ay wala na ako doon.
Bago ako pumasok sa loob ay napukaw ang aking pansin sa nakaparadang Bentley sa di kalayuan. Simula ng bumalik ako dito sa bahay ay parati ko na itong nakikita tuwing gabi. Siguro ay sasakyan ito ng may-ari ng bahay
Agad ko nang binalewala ang iniisip. Kailangan ko nang magpahinga dahil maaga pa ako bukas