Nanghihina ako habang pinipilit na maglakad palabas ng aming gusali. Tila nahihirapan akong huminga dahil sa halu halong emosyon na nararamdaman. Ang tanging nais ko na lamang ay makalabas na ng kumpanya upang makalanghap ng hangin mula sa labas. Nang makalabas na ay dahan dahan akong lumapit patungo sa daan upang pumara ng taxi. Ngunit sa isa kong hakbang ay tuluyan na akong nahilo at nawalan ng balanse... "Anastasia," sinapo ng malalakas nyang bisig ang aking maliit na katawan Nang bumaling ako upang tignan kung sino ang sumagip sa akin ay natagpuan ko ang kanyang mukha, "Paolo," Ilang taon ko syang hinintay. Ni hindi man lang kami nagkita noong high school. Ngunit hindi ko inakala na sa ganitong pagkakataon ko sya unang masisilayan. Ilang taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin s

